Vice Ganda’s birthday wish: "Sana suportahan niyo rin ako pag nagmahal ako."

by Bernie V. Franco
Mar 30, 2019
Vice Ganda reveals his birthday wish: “Kasi ang dami kong nababasa and di ko talaga maintindihan bakit yung iba, gusto lang nila yung bakla pag nagpapatawa. Pero pag yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Photo grabbed from It's Showtime

Hiling ni Vice Ganda na suportahan din siya ng mga tao kung sino man ang lalaking kanyang mamahalin.

Sinabi ito ng Unkabogable Star sa kanyang birthday celebration sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime ngayong Sabado, March 30.

Bukas, March 31, ang 43rd birthday ni Vice.

Kanina ay hiningi ng kanyang mga kasamahan sa show kung ano ang birthday wish niya.

Pahayag ni Vice, “Alam ko namang tatanungin ako kung ano ang wish ko.

“Nag-isip ako ano pang wish ko, e, parang okay naman ako. Nakaipon-ipon naman na ako.

“Nakakakain naman kami nang sapat.

“Nakakapunta naman ako sa gusto kong puntahan.

“Masaya naman ang buhay ko.”

Patuloy niya, “Na-realize ko na ang wish ko lang, e, nagpapasalamat ako na ang mga tao sinusuportahan ako pag nagpapatawa ako.

“Maraming salamat po at sinusuportahan niyo ako pag nagpapatawa ako.”

Pagtatapat ni Vice, “Sana suportahan niyo rin ako pag nagmamahal ako at pag may nagmamahal sa ‘kin.”

Continue reading below ↓

Naglabas ng saloobin si Vice tungkol sa pagsuporta sa kanya ng mga tao kapag nagpapatawa siya, pero tila hindi suportado ng mga ito kapag nagmamahal siya.

“Kasi ang dami kong nababasa and di ko talaga maintindihan bakit yung iba, gusto lang nila yung bakla pag nagpapatawa.

“Pero pag yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto.

“Pag yung bakla binabatukan sa TV o sa pelikula, natatawa sila.

"Pero yung bakla minamahal nung lalaki, hindi niyo matanggap."

Kaya pakiusap ni Vice, “Sana maging masaya tayo para sa isa’t isa.

“Hindi naman ikakabawas ng kasiyahan at pagkatao ninyo kung magiging masaya kayo sa kasiyahan ng iba.

“Yun ang wish ko para sa isa’t isa. God bless you.”

Wala pang pormal na pag-amin kung mayroong love life ngayon si Vice, pero usap-usapang karelasyon na niya si Ion Perez, ang tinaguriang "Kuya Escort" sa It's Showtime.

Abut-abot din ng pasasalamat ni Vice na sa kabila ng kanyang mga pagkukulang ay patuloy ang pagmamahal sa kanya ng mga tao.

Continue reading below ↓

“Sa inyong lahat, maraming salamat sa pagmamahal sa akin at sa pang-unawa sa mga kahinaan ko.

“I am not a perfect person. I am not the best entertainer in the country. I am not the best comedian, but you love me very much.

“Maraming salamat po,” mensahe ni Vice.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda reveals his birthday wish: “Kasi ang dami kong nababasa and di ko talaga maintindihan bakit yung iba, gusto lang nila yung bakla pag nagpapatawa. Pero pag yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Photo grabbed from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results