Kyline Alcantara reacts to Migo Adecer hit-and-run incident

by Rose Garcia
Mar 30, 2019
Kyline Alcantara on Migo Adecer's hit-and-run incident: "Siyempre nagulat po ako na parang iniisip ko na lang po, siguro may pinagdadaanan."
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagulat si Kyline Alcantara sa pagkaaresto kay Migo Adecer na leading man niya sa kanyang launching movie na Black Lipstick.

“I don’t know po kasi, nakilala ko naman si Migo na mabait at mabuti siyang tao,” salaysay ni Kyline nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso teledrama na Inagaw na Bituin noong Marso 27, Miyerkules, sa Urology Center, Quezon City.

“Siguro po, he’s just really drunk.

"Actually, kapag tinatanong po ako... like, dito po sa set, alam po kasi nila na magkasama kami sa Studio 7.

“Kapag tinatanong po ako about him, I just don’t want to talk na lang po. Kasi, naging close ko rin naman po siya.”

Nabalitaan niya ang nangyari rito nang may nagta-tag sa kanya sa social media.

“Siyempre nagulat po ako na parang iniisip ko na lang po, siguro may pinagdadaanan.”

Hindi siya nag-attempt na tawagan o i-text ito.

Katuwiran ni Kyline, “Actually, I don’t know kung paano siya ia-approach.

Continue reading below ↓

"I don’t want to text him, kasi siguro ang dami na ngayong nagti-text sa kanya personally."

KAPUSO FAVORITE

Isa si Kyline sa mga paborito ngayon ng GMA Network.

Bukod sa Inagaw na Bituin, kasama siya sa Studio 7 at Daig Kayo ng Lola Ko.

Nararamdaman ba niyang may mga naiinggit sa kanya?

“Of course po, I’m really thankful,” nakangiting lahad ni Kyline.

“Ang tagal ko rin naman pong hinintay na mapagkatiwalaan ako ng netwok.

"Kumbaga, I’m still determined na gawin po ang best ko, para hindi mawala ang tiwala nila sa akin.

“And I will protect my career to the fullest.”

Sabi ni Kyline, maaaring nakikita ng iba kung ano siya ngayon, pero matagal na siya sa industriya.

“Hindi po siya madali,” saad niya.

“It’s been almost eight years so, yeah, I’m just being thankful.”

Inamin ni Kyline na nailang sila ni Therese Malvar sa isa’t isa.

“Siyempre po, noong unang taping days namin, of course, nagkakapaan pa kami,” pahayag ni Kyline.

Continue reading below ↓

“But now, mas better po, mas kumportable sa isa’t isa.

"Mas nagkakaroon po kami ng connection, mas naipapakita po namin ang connection namin sa isa’t isa.”

May mga pisikalan silang eksena ni Therese. Nandiyang nagsabunutan sila.

Hindi raw siya nasaktan, pero may pakiramdam siyang nasaktan niya si Therese.

“May consent niya naman po yun!” natawang pakli ni Kyline.

“Napag-uusapan po namin na kapag gagawa kami ng eksena, gusto po kasi ng audience na tagos sa kanila ang emosyon.

"Kailangan totoo but controlled."

Sa kantahan, ilang beses na silang nag-showdown.

KYLINE'S LEADING MEN

Ang pinag-aagawan nila ni Therese ay si Manolo Pedrosa, na tinagurian niyang "Ang Lalaking Walang Pores."

“Ang kinis-kinis po niya! Wala po siyang pores at mas makinis pa po ang mukha niya kesa sa akin!” bulalas ni Kyline.

Hindi nanliligaw sa kanya si Manolo.

Ani Kyline, “Okay po kami ni Manolo. Ever since, kumportable na po kami sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

“At ngayon po, medyo dramatic ang gagawin namin.

"Kasi, naka-work ko na po siya sa Daig Kayo ng Lola Ko, medyo light-light lang.

“Dito po sa Inagaw na Bituin, medyo dramatic. Yun po yung kinakapa pa po namin ang isa’t isa sa dramatic part.

“Sanay po kasi kami sa comedy na magka-partner.”

Sixteen years old pa lang si Kyline, pero iba na ang maturity niya kapag nakikipag-usap.

Sa pagpili ng lalaki, hindi siya after sa looks lang.

“Wala po kasi ako sa looks, e, mas more on gentleman.

"Well, of course, sino ba naman ang hindi may gusto roon?

"Naniniwala po sa Diyos at may respeto sa pamilya."

Maliban kay Manolo, nakapareha na ni Kyline ang Kapuso young actors na sina Jeric Gonzales, Ruru Madrid, Migo Adecer, at Miguel Tanfelix.

Sino sa kanila yung nakikita niyang malapit sa ideal niyang lalaki?

“Sa kanilang lahat? Wala naman po kasing gentleman sa kanila!” natawa si Kyline sabay sabing biro lang daw.

Continue reading below ↓

“Kumportable po ako sa kanilang lahat, e.”

Iyong nakakaangat kahit konti pagdating sa paningin niya?

“Siguro po, si Jeric, yung close po pero hindi romantic.”

Yung posibleng maging boyrfriend material?

“Wala, wala pa po akong nakikita sa kanila,” nakangiti niyang sabi.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Kyline Alcantara on Migo Adecer's hit-and-run incident: "Siyempre nagulat po ako na parang iniisip ko na lang po, siguro may pinagdadaanan."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results