Jim Paredes alleged video scandal circulates online

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2019
Jim Paredes is allegedly the man in a video scandal. But the veteran singer says it's "fake."
PHOTO/S: Courtesy: @jimparedes on Instagram

Trending topic sa Twitter ngayong Lunes, April 1, ang singer at dating miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes, 67.

Ito ay nag-ugat sa diumano’y masturbation video niyang kumalat sa Internet simula kahapon, March 31.

Kamukha raw ng beteranong singer ang lalaking nasa video.

Ayon sa mga nakapanood sa limang-minutong video, sa una ay inilabas lamang ng lalaki ang kanyang dila hanggang kalaunan ay pinaglaruan na nito ang kanyang ari.

Continue reading below ↓

May ka-video chat diumano ang lalaki sa video na sa isang punto ay sinenyasan pa niyang huwag daw itong masyadong maingay.

May mga nagsilabasan na ring screenshots ng nasabing video kung saan makikita ang lalaking kamukha ni Jim.

Obserbasyon ng ilang nakapanood, magkapareho raw ang tattoo ng lalaki sa video at sa tattoo sa kanang braso ni Jim.

Kapansin-pansin ding parehong may nunal sa may bandang dibdib ang lalaki sa video at ng veteran singer.

Continue reading below ↓

May nagsasabi namang baka napaglaruan lamang si Jim dahil April Fools' Day ngayong April 1.

“FAKE”

May ilang netizens na diretsong tinanong si Jim tungkol sa nasabing video.

Ngunit mariing sagot ni Jim: "Fake."

Hindi siya nagbigay ng karagdagang pahayag tungkol dito.


Continue reading below ↓

Nagpadala rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Jim sa pamamagitan ng kanyang Facebook account upang hingin ang kanyang pahayag tungkol dito.

Wala pa kaming natatanggap na tugon mula sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jim Paredes is allegedly the man in a video scandal. But the veteran singer says it's "fake."
PHOTO/S: Courtesy: @jimparedes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results