Jim Paredes changes settings of FB, IG accounts amid alleged video scandal

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2019
Former APO Hiking Society member Jim Paredes remains silent after denying he is the man in a viral video scandal.
PHOTO/S: Courtes: Jim Paredes on Facebook

Naka-private na ang karamihan sa Facebook posts ng veteran singer na si Jim Paredes matapos itong madawit sa isang video scandal.

Ngayong gabi ng April 1, Lunes, nasa Top Trending Topic pa rin sa Twitter ang pangalan ng dating miyembro ng APO Hiking Society.

Kaninang umaga, available pa ang latest posts ni Jim sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Ngunit ngayon ay naka-private na ang mga ito.

Samantala, pagkatapos ng dalawang tweets kung saan itinanggi niyang siya ang nasa video scandal, hindi na muli nagparamdam si Jim sa kanyang followers sa Twitter.

Continue reading below ↓

Bago ito, aktibo sa Twitter ang 67-year-old singer kung saan mayroon siyang 1.75 million followers.

Ginawa ring private ni Jim ang kanyang Instagram account.

Kaninang umaga ay naka-public pa ito, kung saan sa latest post ni Jim ay kinuyog na siya ng mga tanong mula sa netizens tungkol sa nasabing video scandal diumano niya.

Continue reading below ↓

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Jim sa pamamagitan ng kanyang Facebook kaninang umaga, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former APO Hiking Society member Jim Paredes remains silent after denying he is the man in a viral video scandal.
PHOTO/S: Courtes: Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results