Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janine Gutierrez uninjured after vehicular accident

by Rommel Gonzales
Apr 1, 2019
Kapuso actress Janine Gutierrez involved in minor vehicular accident on her way to Dragon Lady taping.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nasangkot sa isang minor accident ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa bandang Ortigas Avenue kaninang bago mag-alas dos ng umaga, April 1.

Papunta si Janine sa taping ng GMA fantaseryeng Dragon Lady, kung saan siya ang bida, nang mabangga ng isang fire truck ang Dodge Durango ng dalaga na minamaneho ng kanyang driver.

Nasa passenger seat sa bandang likod si Janine.

Mabuti na lamang at hindi nasaktan o nagalusan ang aktres at ang kanyang driver.

"Hindi naman, medyo ano lang, naalog," pahayag ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Wala ring nasaktan sa mga sakay ng bumbero.

Iyon nga lang, sira ang bumper, tire rod, at ilan pang parts ng unahang bahagi ng sasakyan ni Janine.

Kinailangang i-tow at dalhin sa talyer ang sasakyan ni Janine dahil hindi ito puwedeng imaneho.

Kahit nanginginig pa ay dumiretso pa rin si Janine sa set ng Dragon Lady.

Ironically, sa isang eksenang kinunan sa taping ay isang kaparehong firetruck na nakabangga sa sasakyan ni Janine ang nasa set at may mahalagang papel sa eksena.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Janine Gutierrez, Dragon Lady
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Janine Gutierrez involved in minor vehicular accident on her way to Dragon Lady taping.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results