Is JM de Guzman courting Ria Atayde?

by Rose Garcia
Apr 3, 2019
JM de Guzman on Ria Atayde: "Kung ano man ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever."
PHOTO/S: Instagram

Nilinaw ni JM de Guzman ang napapabalitang magandang pagititinginan nila ng kapwa Kapamilya star na si Ria Atayde.

Sa presscon ng pelikulang Last Fool Show noong Sabado, March 30, tila ibinuko ng leading lady ni JM na si Arci Muñoz na may “something” sa pagitan ng aktor at ni Ria.

Kaya diretsahang tinanong si JM, 30, kung nililigawan nga ba niya si Ria, 27.

Tugon ng aktor, “Hindi… kasi nakilala ko si Ria sa isang small circle din namin.

“Hindi ko alam… ang bait-bait niya. Napaka-genuine.

“Parang naa-attach lang ako sa mga taong ganun, sa mga positive na tao.

“Hindi siya showbiz.”

Tungkol naman sa estado ng relasyon nila, sabi ni JM, “We’re really good friends.

“Hindi pa ganun katagal ang friendship namin, pero yung investment namin sa friendship namin, we’re really investing.”

Balak ba niyang ligawan ang anak ni Sylvia Sanchez at kapatid ni Arjo Atayde?

Continue reading below ↓

Ayon kay JM, “I would like to keep her…

“Kung ano man ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever.”

Sa ngayon, ang focus daw ni JM ay ang kanyang career.

Katuwiran niya, “Ayokong kapalan ang mukha ko masyado na pagsabay-sabayin na naman ang lahat. Huwag muna.”

Ang ibig sabihin marahil dito ni JM ang pagsasabay ng kanyang showbiz career at love life, na naging dahilan noon ng pagkalulong niya sa masamang bisyo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman on Ria Atayde: "Kung ano man ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results