Bea Alonzo reacts to John Lloyd Cruz comeback: "Poy, ikaw ba 'yan?"

by Bernie V. Franco
Apr 4, 2019
Bea Alonzo writes witty caption on her Instagram post about former leading man John Lloyd Cruz's anticipated showbiz comeback.
PHOTO/S: Noel Orsal / @piolo_pascual on Instagram

“Poy, ikaw ba yan?”

Ito ang maiksi pero makahulugang caption ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post nitong April 3, Miyekules.

Isa na naman itong indikasyon ng tuloy na tuloy na ang “pagbabalik” ng perennial leading man niyang si John Lloyd Cruz sa limelight.

Ang "Poy" o Popoy ay ang pangalan ng karakter ni John Lloyd sa 2007 blockbuster hit na One More Chance, kung saan kapareha ng aktor si Bea, na gumanap naman sa role na Basha.

Kalakip ng post ni Bea ay ang maiksing video ng isang lalaking nakatalikod, na pinaniniwalaang si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Nagsimulang umingay ang pagbabalik ni John Lloyd nang i-post ni Piolo Pascual ang silhouette photo ng isang lalaki at logo ng isang shawarma brand sa kanyang Instagram account.

Sa caption ay nagpahayag ng kasiyahan si Piolo sa posibleng pagsasama nila ni John lloyd bilang endorsers ng naturang produkto.

Tila kinumpirma naman ni John Lloyd ang kanyang "pagbabalik" sa pamamagitan ng kanyang verified Facebook at Instagram accounts, kung saan ipinost din niya ang parehong poster na ipinost ni Piolo.

October 2017 nang mag-indefinite si John Lloyd Cruz sa showbiz at nag-focus sa pribadong buhay, kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna.

Namumuhay ngayon nang pribado sina John Lloyd at Ellen kasama ang kanilang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo writes witty caption on her Instagram post about former leading man John Lloyd Cruz's anticipated showbiz comeback.
PHOTO/S: Noel Orsal / @piolo_pascual on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results