Loisa Andalio posts message about judging others amid alleged video scandal

by Arniel C. Serato
Apr 5, 2019
Loisa Andalio: "Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin. Lahat tayo pantay pantay."
PHOTO/S: Noel Orsal

Dinagdagan ni Loisa Andalio, 19, ang kanyang maiksing post sa Twitter noong March 29.

Ang nasabing Twitter post ang unang mensahe ni Loisa pagkatapos ng halos isang linggong pananahimik dahil sa diumano’y video scandal nito.

Nakasaad sa kanyang original post: “Hindi mawawala ang masiyahin, makulit
at positibong Loisa…”

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang celebrity friends katulad nina Alex Diaz, Moira dela Torre, Fifth Solomon, Jane Oineza, at Ria Atayde.

Continue reading below ↓

LONGER VERSION

Sa Instagram, ibinuhos ni Loisa ang saloobin tungkol sa ipinupukol na kontrobersiya sa kanya.

Dito ay dinagdagan niya nang mahaba-habang mga salita ang nauna niyang post sa Twitter.

Ayon sa Kapamilya actress, walang karapatan ang iba na umagrabyado ng kanyang kapwa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Wala rin daw karapatan ang ibang husgahan ang iba.

Tanging Diyos lamang daw ang may karampatang karapatan na manghusga sa Kanyang nilikha.

Buong mensahe ni Loisa: “Hindi mawawala ang masiyahin, makulit at postibong Loisa na minahal niyo, at mahal kayo.

“Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin.

“Lahat tayo pantay pantay.

“Hindi natin alam ang pinagdadaanan sa buhay ng isa’t isa,

“Libre lang naman ang maging mabuti sa kapwa.

“Walang kahit sinong mang may karapatang humusga sa atin, tanging Diyos lang.

“I love you, O LORD, my strength. -Psalm 18:1

“No one can beat a woman who refuses to give up on herself.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio: "Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin. Lahat tayo pantay pantay."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results