Darren Espanto shocked by murder of former road manager

by Rachelle Siazon
Apr 10, 2019
Darren Espanto mourns death of his former road manager Karen Hernandez, who was found murdered inside a house in Mabalacat City, Pampanga last Monday morning, April 8.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram

Ikinagimbal ni Darren Espanto ang balitang pinaslang ang kanyang dating road manager na si Carmencita Pelayo, a.k.a. Karen Hernandez.

Noong April 8, Lunes, natagpuan sa isang bahay sa Mabalacat City, Pampanga ang bangkay ni Karen na tadtad ng saksak sa katawan at may sugat sa ulo.

Sa Instagram post ni Darren, ibinahagi ng Kapamilya singer ang ilang litrato nila ni Karen.

Mensahe niya sa caption: "I still couldn’t believe the news of your passing, ate Karen.

"Nanginginig ako hanggang ngayon kasi di ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang.

"Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao."

Inihayag din ni Darren na itinuring niyang kapamilya ang namayapang si Karen, na dating road manager sa MCA Music at kasalukuyang marketing at events executive sa Ivory Music.

Patuloy ni Darren, "You were more than a road manager to me.

"Inalagaan mo ako at itinuring na parang kapamilya mo at ganoon ka rin sa amin. You are family to us...

Continue reading below ↓

"You will forever be my 'Ate Karen'.

"I will keep all the memories that we had through the good times and the bad and I will always remember the things you’ve taught me in the past.

"I love you so much and I’ll keep you close to me heart always."

Continue reading below ↓

MEETING A FRIEND WITH DEBT

Sa ulat ng ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol nitong Martes ng gabi, April 9, kasamang napaslang ang kaibigan ni Karen na kinilalang si Karren Gueverra.

Ayon sa asawa ni Karen na si Mark John Hernandez, noon pang Sabado nagtungo ng Pampanga sina Karen at Karwin upang makipagkita sa isa pang kaibigan ng mga ito na kinilalang si "Regine."

Ito ay dahil sa nakatakda raw sanang singilin nina Karen at Karwin ang utang na pera sa kanila ni Regine.

Sinabi pa raw ni Karen kay Mark na ide-deposit nila ni Karren sa banko ang ibabayad na pera sa kanila ni Regine.

Ngunit nangyari nga ang malagim na pagpaslang sa dalawa.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Regine umano ang humingi ng saklolo para sa mga kaibigang napaslang ng diumano'y hindi kilalang suspek.

"Ang unang kuwento niya, siya raw ay pinalo ng sinasabing unidentified male suspect.

"Na-unconscious siya tapos nagtulug-tulugan," salaysay ni PO3 Roldan Tababan.

Continue reading below ↓

DOUBLE MURDER

Pero lumalabas daw na inconsistent ang kuwento ni Regine kung paano siya nakaligtas sa suspek.

Dagdag ni Tababan, "May mga nakitang galos sa kanyang katawan. Self-inflicted."

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na si Regine na nakatakdang kasuhan ng double murder.

Read Next
Read More Stories About
Darren Espanto, Karen Hernandez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto mourns death of his former road manager Karen Hernandez, who was found murdered inside a house in Mabalacat City, Pampanga last Monday morning, April 8.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results