High school friend named as suspect in murder of Darren Espanto former road manager

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2019
Karen Hernandez, the former road manager of Darren Espanto, was found murdered along with her friend since high school Karren Gueverra inside the latter's house in Mabalacat City, Pampanga. In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Karen's sister Melai Pelayo names Rachelle Alabado as the identified suspect in the initial police investigation.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram / Mark John Hernandez Facebook

“Hindi ko matingnan yung taong bumubuhay sa amin, na sa isang iglap bigla na lang siyang pinatay nang walang kalaban-laban.”

Ito ang pahayag ng kapatid ng pinaslang na dating road manager ni Darren Espanto na si Karen Hernandez, a.k.a. Carmencita Pelayo Hernandez.

Si Karen ay dating road manager ni Darren sa MCA Music at lumipat bilang marketing and events executive sa Ivory Music. Siya ay 33 years old.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakababatang kapatid ni Karen na si Melai Pelayo, sa pamamagitan ng Facebook chat mula Miyerkules ng gabi, April 10, hanggang ngayong Huwebes ng umaga, April 11.

Ikinuwento ni Melai na noon lamang Sabado, April 6, ay nasa Candaba, Pampanga sila ni Karen upang bisitahin ang mga magulang at kapatid nila roon.

Pero noong Sabado ng gabi ay nakauwi rin sila ng Pasig City, kunsaan naninirahan si Karen at asawa nitong si Mark John Hernandez.

Continue reading below ↓

Tandang-tanda pa raw ni Melai na sinabi sa kanya ni Karen na kinukulit ito ng isang kaibigang nagngangalang Rachelle Alabado.

Gusto raw ni Rachelle na magkita sila ni Karen, at isa pang kaibigan nilang si Karren Gueverra, sa Pampanga.

Ito ay upang mabayaran daw ni Rachelle ang utang na pera kina Karen at Karren.

Magkakaibigan daw sina Rachelle, Karen, at Karren mula pa noong sila ay high school sa Pampanga.

Lahad ni Melai (published as is): “Huling usap po namin ni Ate Karen nung Sunday po ng tanghali, magkasama kami sa bahay sa Pasig City.

“Sinabi niya sakin na nakikipag kita si Rachelle Alabado sa Mabalacat Pampanga (sa tirahan ng isa nilang Kaibigan).

“Magpapatulong daw po si Rachelle Alabado dahil may mag dedeposit ng pera sa bank account niya at sa bank account ng isa pa nilang kaibigan.

“Sinabi din niya sakin na pinipilit siya ni Rachelle, nung una ayaw talaga ni Ate na pumayag, pero tawag ng tawag tong si Rachelle Alabado para kitain siya.

Continue reading below ↓

“Napapayag niya si Ate na makipagkita sa kanya dahil ang sabi niya babayaran daw niya si Ate.”

Iyon daw ang dahilan kung bakit nagtungo ng Mabalacat, Pampanga si Karen noong Linggo ng hapon, April 7.

Sinubukan pa raw ni Melai at ng asawa ni Karen na si MJ na huwag nang pabalikin ng Pampanga si Karen, pero sadyang makulit daw ang kaibigan nitong si Rachelle.

Napagkasunduan daw ng tatlong magkakaibigan na magkita sa bahay ni Karren Gueverra.

“Pinigilan namin siya ni Kuya Mj (asawa ni ate) ayaw namin siyang paalisin at makipagkita kay Rachelle.

“Kasi kung tutuusin ang daming dahilan para hindi siya makipag kita dun, may lagnat ang asawa niya, plus nandun kami ni kitkit (baby niya).

“Pero dahil mahal niya yung Kaibigan niya pinuntahan niya padin ito.”

THE POLICE REPORT

Noong Lunes, April 8, kumalat sa Facebook ang isang police report na nagsasabing natagpuan ang bangkay nina Karen Hernandez at Karren Guevarra sa isang bahay sa Fiesta Community, Tabun, Mabalacat City, Pampanga.

Continue reading below ↓

Tanging si Rachelle Alabado, 32, ang nakaligtas.

Base rito, isinalaysay raw ni Rachelle na pinasok sila sa bahay ng isang “unidentified suspect.”

Matapos daw atakehin si Rachelle ng hindi kilalang suspect ay nagpanggap siyang “unconscious” habang ang mga kaibigan niyang sina Karen at Karren ay pinagsasaksak.

“Dead on arrival” na raw sina Karen at Karren nang isugod sila sa ospital.

Continue reading below ↓

SHOCKED BY SISTER'S TRAGIC DEATH

Ikinagimbal ni Melai ang malagim na trahedyang sinapit ng kapatid na si Karen.

Hindi raw siya kasama noong unang matagpuan ang bangkay ni Karen.

Pero kinumpirma ni Melai na napaslang din si Karren Gueverra, na siyang may-ari ng bahay kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima.

Pero lubos ang pagdadalamhati ni Melai sa walang-kawawaang pagpaslang sa kanyang kapatid.

Noong Martes ng hatinggabi, April 10, nagsimula ang burol para kay Karen sa lugar nila sa Candaba, Pampanga.

Patuloy na kuwento ni Melai sa PEP.ph: “Nabigla ako. Sobrang sakit. Halos madurog ako sa sakit nararamdaman ko.

“Hindi ko matignan si ate nung oras na yun.

“Hindi ko matignan yung taong bumubuhay samin, na sa isang iglap bigla nalang siyang pinatay ng walang kalaban laban.

“Sobrang sakit po sa puso ko lalo na sa mga magulang namin, at sa pamilya ng ate ko.”

Noong gabi ng April 9, Martes, unang naiulat sa ABS-CBN prime-time newscast TV Patrol na duda ang pulisya sa salaysay ng tanging survivor at kaibigan ng dalawang biktima na itinago sa pangalang “Regine.”

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa “inconsistent” ang salaysay nito at napag-alaman ding “self-inflicted” ang mga galos nito.

Bunsod nito ay itinuring na suspek si “Regine” sa kasong “double murder.”

MELAI NAMES KAREN'S HIGH SCHOOL FRIEND

Sa panayam ng PEP.ph, pinangalanan ni Melai ang kinilalang suspect na si Rachelle Alabado.

Ano ang naramdaman niya nang malamang si Rachelle ang itinuturing ng suspek sa pagpaslang sa kanyang kapatid?

Sagot ni Melai: “Sobrang galit po yung naramdaman ko ng malaman kong si Rachelle Alabado ang suspect.

“Since Highschool magkakaibigan na po sila.

“Hindi ko po akalain na kaya niyang gawin yon sa mga Kaibigan niya na itinuring siyang kapatid.

“Sobrang galit talaga na makaka isip ka ng hindi maganda.

“Pero sabi nga po ng tatay ko kahit mamatay po siya ng sampung beses hindi na maibabalik ang buhay ng ate ko.

Continue reading below ↓

“Ang gusto po talaga namin, umamin na siya, makunsensya siya sa ginawa niya.”

MOTIVE OF SUSPECT?

Liban sa lumabas sa imbestigasyon ng pulis na may utang si Rachelle sa dalawang biktima, hindi lubos-maisip ni Melai kung ano ang motibo sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Karen at sa kaibigan nitong si Karren.

Lalo pa’t mismong si Melai ay hindi na itinuring na iba si Rachelle sa tuwing nagpupunta ito sa bahay ng pamilya Pelayo sa Candaba, Pampanga.

“Wala po akong idea kung magkano at kung gaano na katagal ang utang ni Rachelle Alabado. Basta ang alam ko po babayaran niya sila.”

Wala raw ideya si Melai sa nabanggit na halagang PHP100,000 na pagkakautang ni Rachelle kina Karen at Karren, base sa hiwalay na ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, kahapon, April 10.

"Sa kabila po galing yung 100k ako wala akong alam sa pera e."

Continue reading below ↓

Ang tanging alam na impormasyon ni Melai ay kung ano ang nakasaad sa initial police investigation.

Dagdag ni Melai, “Ayon po sa police, inconsistent po yung mga sinasabi ni Rachelle Alabado.”

Si Karen daw ang panganay sa kanilang walong magkakapatid.

KAREN HERNANDEZ: A BELOVED SISTER, DAUGHTER, MOM, AND WIFE

Kahit may sarili nang pamilya si Karen, patuloy pa rin daw itong tumutulong sa pinansiyal na pangangailangan nilang magkakapatid.

“Bilang ate po wala akong masabi sa sobrang kabaitan niya. Dahil kahit pamilyado na po siya siya padin po ang bumubuhay samin.

“Sobrang maalaga at maalalahanin na ate siya. Kaya ang sakit sakin na ganon nalang, bigla nalang siyang nawala.

“Bilang anak po sobrang proud po ang mga magulang namin sa kanya.

“Walang wala kang masasabi sa kanya. Sobrang matulungin yan. Yung tipong mangangailangan kami pinansiyal. Kahit na nagkakasakit na yan, gusto pa din niyang magtrabaho.”

Continue reading below ↓

Hindi rin daw lubos na maisip ni Melai kung papaano na ang mangyayari ngayong ulila na sa ina ang pitong gulang na anak na babae ni Karen.

“Bilang ina, matatawag mo siyang 'ulirang ina.'

“Yung pagpaparamdam niya ng pagmamahal sa anak niya sobra.

“Nagsusumikap siya sa pagtatrabaho maibigay lang ang pangangailangan ng kanyang anak. Laging may reward ang anak niya tuwing mag e-excel siya sa school.

“Malambing siyang ina sa kanyang anak.”

Nasaksihan din daw ni Melai kung gaano kabait na asawa si Karen.

“Bilang asawa, mapagmahal yan sa asawa niya.

“Kung mapapansin niyo sa kanyang Facebook Account para silang laging nagliligawan pa kahit na matagal na silang mag-asawa.

“Kung may tinatawag silang ‘Relationship Goals’ yun, yun sila.”

TRIBUTE FROM SINGER COLLEAGUES

Nauna nang naghayag ang young singers na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, at Kyle Echarri kung gaano kabait at kasipag na katrabaho si Karen Hernandez.

Continue reading below ↓

Nakatrabaho ni Karen sina Darren at Kyle noong nasa MCA Music pa ito.

Si AC naman ay nakilala si Karen sa current job nito bilang marketing at events executive sa Ivory Music.

Iisa ang sinasabi nina Darren, AC, at Kyle tungkol kay Karren—sa panahong nakatrabaho nila ito ay minahal nila si Karren dahil sa likas na pagiging magiliw at masipag nito sa trabaho.

Sa huli, dagdag na pahayag ng kapatid ni Karen na si Melai sa PEP.ph: “Gusto kong matahimik ang ate ko. Gusto namin ng hustisya sa nangyari sa kanya.”

Kahapon, April 10, nakalabas na raw ng kulungan si Rachelle Alabado.

Nasa piskalya na ang reklamong double murder laban dito.

Sa Biyernes, April 12, nakatakda ang hearing para rito.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Hernandez, the former road manager of Darren Espanto, was found murdered along with her friend since high school Karren Gueverra inside the latter's house in Mabalacat City, Pampanga. In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Karen's sister Melai Pelayo names Rachelle Alabado as the identified suspect in the initial police investigation.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram / Mark John Hernandez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results