Ria Atayde admits JM de Guzman is special to her

by Melba R. Llanera
Apr 12, 2019
Ria Atayde on JM de Guzman: "Yung mga pinagdaanan niya before, sa tingin ko, kung hindi niya pinagdaanan ang mga yun, he couldn't be that JM he is today."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi direktang masagot ni Ria Atayde ang tanong kung nanliligaw ba sa kanya ng aktor na si JM de Guzman.

Pero aminado ang Kapamilya actress na espesyal sa kanya ang binata.

Saad ni Ria, "Nanliligaw? No naman…

"I don't know, kasi iba na talaga ang dynamics ngayon ng modern-day relationship so I cannot really tell.

“For sure, he's special to me.

“Pero kung nanliligaw ba, I cannot say that."

May pag-asa ba si JM kung sakaling manligaw nga ito sa kanya?

"Pag-asa? Oo naman, oo naman," positibong sagot ni Ria.

Ayon pa sa aktres, maraming magagandang katangian si JM na magugustuhan ng kahit na sinong babae.

"Mapagmahal sa pamilya, marespeto, maabilidad, passionate, really passionate and talented,” paglalarawan ni Ria kay JM.

Hindi raw isyu sa kanya ang pagkalulong noon sa droga ng aktor.

Sabi ni Ria, "Kasi yung mga pinagdaanan niya before, sa tingin ko, kung hindi niya pinagdaanan ang mga yun, he couldn't be that JM he is today.

Continue reading below ↓

"And that's the JM I get to know, and I like what I get to know.

“Wala namang problema sa akin yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ria sa thanksgiving presscon ng pamilya Atayde na ginanap sa Lazat restaurant, Diliman, Quezon City, noong Martes, April 9.

RIA ATAYDE’S FAMILY

Iwas-magbigay ng komento ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde tungkol sa nababalitang pagkakamabutihan ng aktres at ni JM.

Alam ba ng mga ito ang anumang namamagitan sa kanila?

Ayon kay Ria, "Si Mommy naman, alam niya that we're hanging out, lalo na nagtatrabaho sila together sa Project: Kapalaran.”

May isyung hindi raw boto ang pamilya ni Ria kay JM. Totoo ba ito?

"I don't know… ano sila, e, you do your own thing.

“Okay naman sila, walang problema.

“Hindi boto? Hindi naman, I don't think so,” sagot ni Ria.

Continue reading below ↓

Totoo bang “mother-in-law” na ang tawag ni JM sa ina ni Ria na si Sylvia?.

Sagot ng dalaga, "I don't know, pero alam ko Nay ang tawag niya kay Mommy kasi mag-nanay sila sa Kapalaran.

“Nauna man yun sa kung anumang nangyayari.”

HALIK

Mixed emotions daw si Ria sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang Halik.

"Bittersweet.

"Sweet… kasi nakakatuwa na we're ending still high profile, high ratings.

“Sobrang nagpapasalamat kami for continuous support, pero bitter kasi mami-miss ko sila. Sobrang sepanx."

Kung siya ang masusunod sa magiging ending ng Halik, paano niya ito tatapusin?

"Kung ako sana mag-isa... kasi ang dami ding nangyari sa buhay ni Lino at ni Jacky na siguro they should focus on themselves muna,” pagtukoy niya sa mga karakter nina Jericho Rosales at Yen Santos.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ria Atayde on JM de Guzman: "Yung mga pinagdaanan niya before, sa tingin ko, kung hindi niya pinagdaanan ang mga yun, he couldn't be that JM he is today."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results