Kiray Celis reacts to "swapping" with Regine Velasquez

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2019
Kiray Celis happy to be part of GMA-7 after being with ABS-CBN for almost 20 years.
PHOTO/S: Noel Orsal

Humagalpak sa tawa si Kiray Celis nang maungkat ang “swapping” diumano nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Halos magkasabay kasi silang tumalon ng networks noong nakaraang taon.

Si Kiray ay napabalitang nakipag-meeting sa executives ng GMA Network noong September 2018, habang si Regine ay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong October 2018.

Parehong nagtrabaho sa dati nilang home networks sina Kiray at Regine sa loob ng dalawang dekada.

Kaya ang biro: nag-swap ang dalawang istasyon.

Si Regine ay napunta sa ABS-CBN at si Kiray naman ay napunta sa GMA-7.

Reaksiyon ni Kiray rito, “Uy, hindi naman ganun, pero parang ganun na nga, charing!

“Oo nga, kasi nung lumipat po siya, tumunog naman… nag-post naman agad ang PEP na lilipat ako.

“Dyusko, sabay na sabay kay Regine!

“Ako yung nahiya, e.”

Ano ang masasabi niya sa nangyaring “swapping of talents” ng dalawang magkalabang istasyon?

Humahalakhak pa ring sabi ng comedienne, “Sabi nila, wow, swap… wala ako masabi!

Continue reading below ↓

“Talagang ang kapal ng mukha ko para ihalintulad ako kay Songbird!

“Mukha lang bird ito, e!”

Masayang-masaya raw si Kiray bilang Kapuso dahil sa dami ng trabaho na kanyang pinagkakaabalahan.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray bago magsimula ang grand media conference ng una niyang teleserye sa GMA-7, ang Love You Two, Huwebes ng gabi, April 11.

Gagampanan niya rito ang role ni Darling, matalik na kaibigan ng mga karakter na gagampanan nina Jennylyn Mercado (Raffy) at Shaira Diaz (Sam).

Secretly in love siya rito sa karakter ni Jerald Napoles bilang Harrison.

Mapapanood ang Love You Two sa GMA Telebabad simula sa April 22.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Kiray Celis happy to be part of GMA-7 after being with ABS-CBN for almost 20 years.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results