Kiray Celis respects private life of first boyfriend

by Jerry Olea
Apr 14, 2019
“Iba kasi yung mundo niya, e. Kapag nagmahal ka ng taong may ibang mundo, puwede mo siyang i-tour sa mundo mo pero hindi mo siya puwedeng ipasok sa mundo mo," replied Kiray Celis when asked about her non-showbiz boyfriend.
PHOTO/S: Noel B. Orsal

Happiest si Kiray Celis ngayong Kapuso na siya, at kasama sa telepelikulang Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Kahit waley siyang love life?

“Ay! May love life po ako!” agad-agad na pagkontra ni Kiray sa mediacon nitong Abril 11, gabi ng Huwebes sa Studio 7 ng GMA Network, QC.

“Happy naman din po yun!”

Kailan niya ipapakilala ang boyfriend niya?

“Saka na kapag kasal na kami! Hi-hi-hi-hi!” masayang hagikgik ng 24-anyos na comedienne.

“Iba kasi yung mundo niya, e. Kapag nagmahal ka ng taong may ibang mundo, puwede mo siyang i-tour sa mundo mo pero hindi mo siya puwedeng ipasok sa mundo mo,” pag-iling-iling ni Kiray.

“Nasa mundo siya ng business, e. Ako, nasa mundo ng showbiz. “So, hindi ever, ever ko siyang ipasok dito. Kasi siyempre, ang mga businessman, meron silang sariling private life na dapat private lang yun para sa kanila.

“E ako, ano ako, e... public figure ako. So, kahit sino, puwede kong sabihin. Kahit sino, pwede kong pakisamahan.

Continue reading below ↓

“Pero hindi siya ganoon. Happy naman ako, kasi, hindi naman kami nagtatago, e. Kahit saan, pumupunta kami.

“Pero hindi kailangang i-announce kung ano ang pangalan. Hindi kailangang i-announce kung anong itsura, di ba?

“Kung makita n’yo kami, yun na siya. Hello!”

BUSINESS PARTNER

Two years na ang kanilang relasyon, at magkasosyo sila sa restaurant business.

Continue reading below ↓

“Actually, sa kanya talaga ‘yon,” pakli ni Kiray. “Ahmm, gusto niya kasi, kapag hindi na ako nag-aartista, or mawala ako sa pagiging artista, may fallback ako, na may business po ako.

“So, binigyan niya ako ng shares sa resto niya.”

NO TO LIVE IN, NO TO BABY FOR NOW

Tahasang itinanggi ni Kiray na nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend. Ayaw niyang makipag-live in?

“Sa ngayon, hindi po,” pagkunot-noo ni Kiray.

“Actually, bago ako magmahal, naisip ko na parang... medyo weird nga kung hindi pa kayo nagpapakasal, 'tapos, makipag-live in ka?!

“Kasi, anytime, kapag nagsama kayo sa bahay, siyempre anytime puwede kayong magkaanak, or magka-baby, di ba?

“Pero 'pag mahal mo pala, gusto mo, lagi mong kasama. Parang 'pag mahal mo, ayaw mo nang matapos ang oras.

“Pero hindi pa po naman namin naiisip. May sarili siyang priority, may sarili rin akong priority.

“Masaya na kami na nagkikita kami kapag merong time, pag walang trabaho.”

Continue reading below ↓

Wala pa sa isip niya ang magka-baby?

“Wala po,” mabilis na sagot ni Kiray. “'Pag 34 na po ako... pero sabi ng OB, kasi, nagka-UTI ako... sabi ng OB, dapat trenta, meron na."

UTI o urinary tract infection ang sakit na umeepekto sa urinary system o sa bahagi ng katawan na nagre-regulate ng pag-ihi. Para sa sakit na ito, kinailangan ni Kiray na magpagamot sa isang espesyalista sa urinary system at reproductive system ng babae, sa isang OB—ang kadalasang tawag sa doktor ng OB-Gyn o obstetrician-gynecologist.

“Pero para sa akin, 34. Kasi, parang ngayon pa lang ako... first boyfriend ko po kasi siya, e.

“So, 24 ako ngayon, parang ngayon pa lang ako lumalabas sa shell ko na first date ko siya, first nood ng sine.

“Parang ngayon ko lang nata-try lahat!

“Ngayon pa lang ako nag-e-explore sa sarili ko at saka sa mundo ko na... 'Ohh, ganoon pala.' Kaya ko palang gawin ‘yon na manood kami na kaming dalawa lang, alam mo ‘yon?” kilig-kiligang lahad ni Kiray.

Continue reading below ↓

“So, ine-enjoy ko pa. Ang sarap ma-in love, e, di ba? Sa totoo!”

Gusto ni Kiray na pakasal muna bago siya magkaanak.

Siyanga pala, si Jerald Napoles ang love interest ni Kiray sa Love You Two, na nakatakdang mag-umpisa sa Abril 22, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Nasa cast din ng naturang telepelikula sina Shaira Diaz, Solenn Heussaff, Sheena Halili, Nar Cabico, Yasser Marta, Michelle Dee, Freddie Webb, Madeleine Nicolas, at Joshua Zamora. Ang direktor ay si Irene Villamor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Iba kasi yung mundo niya, e. Kapag nagmahal ka ng taong may ibang mundo, puwede mo siyang i-tour sa mundo mo pero hindi mo siya puwedeng ipasok sa mundo mo," replied Kiray Celis when asked about her non-showbiz boyfriend.
PHOTO/S: Noel B. Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results