Kris Aquino slams Mar Roxas camp for blaming brother Noynoy for 2016 loss

by Rachelle Siazon
Apr 15, 2019
Kris Aquino offended over statement of Mar Roxas's spokesperson: "hindi kami okay ni Noy, pero KADUGO ko sya, nagkalayo man kami, pakitaan sya ng hindi ko masikmurang kawalan ng respeto, when he chose loyalty to that man over forgiving me, dahil DISENTE sya at tatahimik
PHOTO/S: Cyrus Panganiban and Mark Atienza for PEP.ph / Mar Roxas Facebook page

"But really, to blame his loss on my brother? So pati ba pagkatalo sa 2010 kasalanan din ni Noy?"

Ito ang pahayag ni Kris Aquino sa panlalaglag ng kampo ni Mar Roxas sa kapatid niyang si dating Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III.

Nasa ika-limang araw pa lang si Kris sa deklarasyon niyang umiwas sa social media, pero napilitan daw siyang basagin ang kanyang pananahimik.

Nakarating kasi kay Kris ang paninisi ni Caloocan Second District Representative Edgar Erice kay Noynoy sa pagkatalo ni Mar nang tumakbo itong presidente noong 2016 national elections.

Si Erice ay campaign manager at spokesperson ni Mar, na tumatakbong senador ngayong 2019 mid-term elections.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong Linggo, April 14, sinabi ni Erice na isang malaking pagkakamali ni Mar na umaktong "Robin" sa pagiging "Batman" ni Noynoy.

Ito ay dahil hindi raw kailanman puwedeng magiging "Batman" si "Robin."

Ang naturang paghahalintulad ay base sa fictional character na si Robin, ang sidekick ng kilalang superhero na si Batman ng DC Comics.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Erice, sadyang pinili ni Mar na "blue" ang color theme ng kampanya nito para sa 2019 elections—sa halip na "yellow"—upang hindi ito maugnay kay Noynoy.

Yellow o dilaw ang kilalang branding ng administrasyong Aquino at ng Liberal Party, ang political party na kinabibilangan nina Noynoy at Mar.

Tahasang sumagot si Kris na hindi niya maatim na lapastangin ng spokesperson ni Mar ang kanyang kapatid na si Noynoy.

Buwelta ni Kris sa Instagram post niya noong Linggo ng hapon, April 14:

"hindi kami okay ni Noy, pero KADUGO ko sya, nagkalayo man kami, pakitaan sya ng hindi ko masikmurang kawalan ng respeto, when he chose loyalty to that man over forgiving me, dahil DISENTE sya at tatahimik- you will read our truth."

Kalakip ng post niya ang tirada ng actress/TV host/web star kung bakit natalo si Mar ni President Duterte noong 2016 elections.

"FYI: You lost not because of 'BATMAN'

Continue reading below ↓

"You lost because you were no match for 'IRONMAN'"

Inihalintulad ni Kris si President Duterte sa fictional character na si Iron Man, isa sa mga sikat na superhero ng Marvel Comics Group, na rival company naman ng DC Comics.

SIBLINGS RIFT BECAUSE OF MAR, PRESIDENT DUTERTE

Ayon pa kay Kris, si Mar ang dahilan kung bakit isang taon na silang hindi nag-uusap ni Noynoy.

Continue reading below ↓

"nanahimik ako pero unedited na magsasalita para malinawagan ang lahat.

"I LOST MY BROTHER, KUYA JOSH & BIMB LOST THEIR TITO NOY because of the man now saying through his spokesperson 'the lesson he learned the hard way from his losing presidential run in 2016: He should never have worn yellow.'

"Because a year ago i posted WHY IT WAS SO CLEAR TO ME WHY PRESIDENT DUTERTE WON. And that TRUTH broke us."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang paghayag niya ng paghanga kay President Rodrigo Duterte, na siyang tumalo kay Mar noong 2016 presidential elections.

Ikinatampo raw ito ni Noynoy dahil kaalyado at kaibigan niya si Mar.

Sabi ni Kris: "aamin ako- the next day, my brother wanted to talk, but the wounds were still raw.

"i asked for a few days, he felt nagmalaki ako, and apart from that 1 time sa St Luke's nung na confine si kuya josh HINDI NA KAMI NAGKITA."

Continue reading below ↓

Noong July 18, 2018, ayon kay Kris, isinantabi nila ni Noynoy ang kanilang alitan nang bisitahin ng dating presidente ang pamangkin nitong si Josh, panganay na anak ni Kris, na na-confine sa ospital para sa executive checkup nito noon.

"most especially kuya josh, nag suffer dahil nawala yung nagiisang CONSTANT male presence sa buhay nya.

"yes, josh has autism BUT when i had my procedures in Singapore, 3X syang niyaya ng tito Noy nya-3X tumanggi- ang sagot nya, 'Mama is in the hospital, sacrifice ako, tito noy.'"

Pinili raw ni Josh na makasama ang inang si Kris kaysa bisitahin si Noynoy.

Huling namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kasama ni Noynoy ang mga pamangking sina Josh at Bimby sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde noong August 19, 2018.

Naiulat na hindi nila kasama noon si Kris dahil may sakit daw ito.

Patuloy ni Kris: "It reached a point that Noy asked Rochelle kung napagbawalan ba si kuya, and yun ang mga hindi pwedeng ma share sa inyo-all the times kuya josh got caught in the middle but felt he had to prove his loyalty to me.

Continue reading below ↓

"kung saan happy si kuya, OKAY ako pero kusa nyang desisyon yun.

"kung hindi sa kay Noy sinisi then private na lang yung namagitan sa pamilya namin."

ON "HIRED KILLERS" ALLEGATION

Sa parehong Instagram post ni Kris, inakusahan niya sina Mar at Erice na ginamit ang "kalaban" niyang si Nicko Falcis upang siraan siya.

Pinalabas daw umano ni Erice na nagpapahanap siya ng "hitman" upang iligpit si Nicko at kapatid nitong si Atty. Jess Falcis.

Gayong ang ipinapahanap daw ni Kris ay "mga mukhang basagulero" na "bodyguards" para sa mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Sa bandang huli ng Instagram post ni Kris, nagpahaging pa siyang hindi si Mar ang kanyang iboboto bilang senador kundi si Bong Go.

Si Bong Go ay dating spokesperspon ni President Duterte at isa sa pambato sa ilalim ng partido ng Pangulo para sa pagka-senador sa May 2019 elections.

"Mali ulit. I believe BONG GO is THOR," saad ni Kris na inihalintulad si Bong Go sa isa pang Marvel fictional superhero na si Thor.

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ito, inilagay na raw ni Kris sa "archive" ang post niyang ito kaya hindi na mababasa ng kanyang Instagram followers.

TEMPORARY "CEASEFIRE"

Linggo ng gabi, April 14, ipinaliwanag ni Kris na pinakiusapan siya ni Senator Kiko Pangilinan na huwag nang awayin sina Mar at Erice.

Si Senator Kiko ang kasalukuyang presidente ng Liberal Party.

"i archived my other post not because i don’t stand by everything i said, but because ma respeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng 'ceasefire.'

"Please know this about me, when i have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay," paliwanag ni Kris.

Pero giit ni Kris, bilang kapatid ay karapatan niyang ipagtanggol si Noynoy kahit mayroon silang personal na alitan ngayon.

"Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya.

"Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang- pumalag ako. Pero mag react man ako, mabubura ba nun yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao nya- never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob?

Continue reading below ↓

"baka mas lalo pa syang masaktan dahil alam nyang kaming mga kapatid nya nadurog ang puso para sa kanya.

"umiikot naman ang mundo."

"WE ARE NOT SORE LOSERS."

Bukod dito ay nagbahagi si Kris ng throwback photo na kuha noong June 2016, kung kailan naganap ang transfer of power ni noo'y outgoing President Noynoy Aquino at ni incoming President Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Paalala ni Kris, naging "peaceful" ang transition of power dahil ipinaglaban daw ng kanilang mga magulang na sina Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at Corazon "Cory" Aquino ang "democratic right to vote."

"Hindi tayo yung pino-portray, we are not power hungry, we are not sore losers- dahil pinalaki tayo na alam- PAHIRAM lang ang panahon sa Malacañang."

Kung ikinahihiya raw ng iba ang pagiging "dilawan," inihayag ni Kris na mananatiling proud ang kanilang pamilya sa naging accomplishment ni Noynoy noong panahong nanungkulan ito bilang pangulo ng bansa.

Continue reading below ↓

"WHY BONG GO?"

Samantala, may ilang mga tagasuporta si Kris ang kumukuwestiyon kung bakit sinusuportahan niya ang pambato ni President Duterte sa pagka-senador na si Bong Go.

Bukod sa kalaban umano ito ng partidong kinabibilangan ni Noynoy, kamakailan lang ay inalmahan ni Krisnang gawin siyang katatawanan sa campaign rallies ni Go.

Kaugnay ito ng comedy skit ni Go kunsaan nabangiit niyang "naloko" noon si Kris ng ex-boyfriend nitong si Phillip Salvador.

Si Phillip ay kilalang supporter ni Go at sumasama sa campaign rallies nito.

Isang netizen na kumuwestiyon kay Kris ang sinagot ng actress-TV host.

Sabi lang ni Kris, "kaya nga DEMOCRACY diba?"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

EDGAR ERICE: NO MALICE INTENDED

Matapos ang kontrobersiyal niyang pahayag patungkol kina Mar at Noynoy, nilinaw ni Congressman Erice na malapit siya sa dating pangulo at malaki ang respeto niya rito.

Ayon sa ulat ng Rappler ngayong Lunes, April 15, ipinaliwanag ni Erice na wala siyang intensiyong sisihin si Noynoy sa pagkatalo ni Mar noong 2016 elections.

Ang ibig lang daw niyang sabihin ay blue ang piniling color theme ng kampo ni Mar para sa kampanya nito upang magkaroon ito ng sariling "identity" at hindi manatiling "Robin" o sidekick lamang ni Noynoy.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Kris Aquino offended over statement of Mar Roxas's spokesperson: "hindi kami okay ni Noy, pero KADUGO ko sya, nagkalayo man kami, pakitaan sya ng hindi ko masikmurang kawalan ng respeto, when he chose loyalty to that man over forgiving me, dahil DISENTE sya at tatahimik
PHOTO/S: Cyrus Panganiban and Mark Atienza for PEP.ph / Mar Roxas Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results