Aiko Melendez ends rift with Cristy Fermin after 8 years

by Glenn Regondola
Apr 16, 2019
Aiko Melendez on patching things up with Cristy Fermin: "Ilang taon kaming hindi nag-uusap, pero pati sa kabit issue ay ipinagtanggol niya ako... Pero now, okey na kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinagpapasalamat sa Diyos ng award-winning actress na si Aiko Melendez na pagkatapos ng walong taon ay nagkaayos na sila ng veteran showbiz columnist-radio host na si Cristy Fermin.

Natuldukan ang kanilang di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono nitong Lunes ng umaga, April 15.

Noong 2011 ay nasira ang pagkakaibigan ng dalawa nang masangkot sa kontrobersiya si Aiko sa dati niyang boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na ipinagtanggol naman ni Cristy laban sa aktres.

Pero ayon kay Aiko, sa bawat pagkakataong nagkikita silang dalawa sa isang okasyon, nilalapitan pa rin niya si Cristy para ibigay ang paggalang niya rito.

Hanggang makausap ng aktres ang dati niyang manager at kaibigang si Ogie Diaz.

Ipinarating ni Ogie kay Aiko ang pagtatanggol ni Cristy sa aktres sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Ito ang tungkol sa “kabit” issue na ibinabato kay Aiko ng kalaban sa pulitika ng kasalukuyan niyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Aiko sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng private messaging kahapon, April 15, “Grabe, overwhelmed ako sa support ng mga tao sa akin.

“Alam mo ba, matagal na kaming hindi nag-uusap ni Tita Cristy?

“And nalaman ko na ipinagtatanggol niya ako against doon sa VG [vice governor].

"At nagpakumbaba ako, humingi ako ng sorry kung ano ang pagkukulang ko nung panahon namin ni Patrick.

“Siya din, nag-sorry, kaya maganda ang nagawa nung FB Live ko.”

Noong April 5 ay nag-Facebook Live si Aiko upang sagutin ang patutsada sa kanya ng kalaban ni Mayor Jay sa pagka-bise gobernador ng Zambales.

Patuloy niya tungkol sa pagbabati nila ni Cristy, “Yes, masaya ako.

“Ilang taon kaming hindi nag-uusap, pero pati sa kabit issue ay ipinagtanggol niya ako.

“Maluha-luha ako kanina sa phone…

“Kasi nga, anak-anakan ako ni Nay Cristy, ang kaso, meron kaming hindi pinagkasunduan dati.

“Pero now, okey na kami.”

Continue reading below ↓

BREAKING THE WALL

Si Ogie nga ang naging daan upang tawagan ni Aiko si Tita Cristy at buwagin ang pader na namagitan sa gitna nilang dalawa.

Ayon sa aktres, “Nagpapasalamat ako kay Mader Ogie, kasi siya ang nagsabi sa akin na ipinagtatanggol ako ni Tita Cristy, so hiningi ko kaagad yung number niya.

“Tinawagan ko siya kagabi, pero tulog na.

“Kaya ngayong umaga, around past 12 noon, tinagawan ko ulit at nagkausap na nga kami.

“Masaya ako kasi, nabunutan ako ng tinik at di ko inaakala na ipinagtatanggol niya ako laban sa mga kalaban ni Jay.”

Ang labis daw ipinagpapasalamat at ikinaiiyak ng aktres ay ang mga sinabi sa kanya ng beteranang showbiz columnist at radio host.

Ani Aiko, “Talagang tinamaan ako sa sinabi niya sa akin na anak niya ako, at hindi niya ako matitiis.

“Sabi niya, ‘Anak, sayang yung pagna-nanay natin. Hindi ko papayagan na mabasura ang mga taong pinagsamahan natin.

Continue reading below ↓

“‘Ang anak ay anak. Malayuan man ay ipagtatanggol kita.

“‘Maraming salamat sa pagdudugtong ng tulay sa ating pagitan.

“‘Mahal kita. Ingat ka palagi. Labyunak.’”

Matapos ng kanilang pag-uusap ay tinext ni Aiko si Cristy bilang pasasalamat sa muling pagtanggap sa kanya bilang anak-anakan nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on patching things up with Cristy Fermin: "Ilang taon kaming hindi nag-uusap, pero pati sa kabit issue ay ipinagtanggol niya ako... Pero now, okey na kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results