Kiray Celis denies financially supporting her boyfriend

by Arniel C. Serato
Apr 16, 2019
Kiray Celis on money as main reason for her transfer to GMA-7: "Oo, mukhang pera, ikaw ba nagtatrabaho ka para sa mapagod ka lang? Sobrang kalokohan yun kung nagtrabaho ka para mapagod ka lang."
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Laman ng isang blind item noong 2018 ang isang breadwinner na komedyana, na diumano'y kiniinisan ng kanyang mga kamag-anak dahil ito raw ang tumutustos sa boyfriend niya.

Ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi si Kiray Celis.

Tinawanan lamang ng comedienne ang nasabing blind item.

Sabi niya, “Nagsuporta? Ay, hindi! Boyfriend ko ang sumusuporta sa akin.”

Diin pa ni Kiray, “Boyfriend ko ang sumusuporta sa akin kasi ngayon nag-iipon pa lang ako, e.

“Kasi ngayon, lahat ng pera ko po, e, sa family ko po ibinibigay.

“Twenty-four na ako, pero proud ako, wala akong pera dahil itinutulong ko lahat.

“Kaya nga may bahay na kami.”

Dalawang taon na ang relasyon ni Kiray sa kanyang non-showbiz boyfriend, na hanggang ngayon ay hindi pa niya pinapangalanan.

Magkasama sila ngayong itinataguyod ang kanilang food business sa may University Belt.

Eksklusibong nakausap ng PRP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa grand media conference ng Love You Two noong Huwebes, April 11.

Continue reading below ↓

Ito ang unang teleserye ni Kiray sa GMA-7 na mapapanood na simula sa April 22.

BECAUSE OF MONEY

Isa sa mga dahilan ng paglipat ni Kiray ng network ay ang kawalan ng trabaho sa kanyang dating home network na ABS-CBN.

Maganda raw ang offer sa kanya ng GMA-7 kaya kinagat niya ito.

Hindi ba siya natatakot mapag-isipang mukhang pera?

Natatawang sagot ni Kiray, “Mukhang pera, bakit?

“Oo, mukhang pera, ikaw ba nagtatrabaho ka para sa mapagod ka lang?

“Sobrang kalokohan yun kung nagtrabaho ka para mapagod ka lang.

“Nagtatrabaho ka para magkaroon ka ng pera.

“So, lahat tayo nagtatrabaho kasi kailangan natin ng pera."

Patuloy niya, “Hindi tayo mabubuhay kung wala tayong pera.

“Aminin naman natin 'yan, sa mahal ng [bilihin sa] mundo ngayon, pera talaga ang pinag-uusapan.

"Pero hindi lahat nabibili ng pera.

“Pero para saan pang nagtatrabaho ka kung wala ka namang nakukuhang pera?”

Sa kanyang paglipat sa GMA-7, may mensahe si Kiray sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Friend, trabaho lang naman ito, e. Wala namang personalan.

“Siguro naman kaibigan ko pa rin sila kahit lumipat ako, 'no.

"Hindi sila tunay na mga kaibigan kung mawala sila.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Kiray Celis on money as main reason for her transfer to GMA-7: "Oo, mukhang pera, ikaw ba nagtatrabaho ka para sa mapagod ka lang? Sobrang kalokohan yun kung nagtrabaho ka para mapagod ka lang."
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results