Yassi Pressman hints at wanting to "wash my pain away"

by Rachelle Siazon
Apr 16, 2019
Amid rumored third party issue, Yassi Pressman posts cryptic message about staying strong despite troubles.
PHOTO/S: @yassipressman

May pinagdadaanan bang problema si Yassi Pressman?

Ito ang katanungan ng ilang Instagram followers ng Kapamilya actress na napansin ang biglaan niyang pagbabakasyon sa El Nido, Palawan, noong nagdaang weekend.

Kasabay nito ay sunud-sunod ang matalinhagang posts ni Yassi na nagsabing nananatili siyang matibay sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay.

Caption ni Yassi sa kanyang post noong April 13: "unsure where to next - but surely forward, surely smarter, and surely stronger than before.

"#aluminum [fist bump emoji]"

Kalakip nito ang litrato ni Yassi na kuha sa port area ng resort na tinuluyan niya sa El Nido, Palawan.

Continue reading below ↓

Sa comments' section, nag-iwan ng mensahe ang kapatid ni Yassi na si Issa Pressman.

Ani Issa, "But if u go forward....... you’ll fall in to the water."

Ayon naman kay Yassi, OK lang na mahulog siya sa dagat para sumama raw sa daloy ng tubig ang nararamdaman niyang "pain."

May halong tawang sabi ng 23-year-old Kapamilya actress: "@pressmanissa && wash my pain away hahahaha"

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagbiro na hindi kailangang malungkot ni Yassi dahil may kasama siyang "superman" sa kanyang pagbabakasyon.

Pero paglilinaw ng dalaga, "wala [smiley] ako lang, that's enough naman [smiley]"

Biglaan lang daw ang kanyang pagpunta sa El Nido upang magkaroon ng "alone" time.

MESSAGE TO BASHERS?

Sa kanyang Instagram Story, nagpahiwatig si Yassi na tila apektado siya sa pambabatikos na natamo niya kamakailan.

Continue reading below ↓

"BEFORE YOU SAY SOMETHING, THINK HOW YOU'D FEEL IF SOMEONE SAID IT TO YOU," sabi sa matalinhagang quote na ibinahagi niya.

Dagdag na caption ni Yassi, "only kindness [heart emoji]"

Ibinahagi rin ni Yassi na bago siya umalis ng El Nido ay dumaan muna siya sa isang chapel upang magdasal.

Continue reading below ↓

Pag-uwi ng Manila, siniguro ng aktres na maki-bonding sa pamilya niya upang makumpleto ang kanyang much-deserved rest and relaxation.

ALLEGED LOVE TRIANGLE

Kamakailan ay nadawit si Yassi sa kontrobersiya sangkot ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Naiulat na nanganak na si Julia bandang huling linggo ng Marso at ang itinuturong ama ay si Coco.

Continue reading below ↓

Matagal nang nauugnay sina Coco at Julia na dating nagkatambal sa 2012 Kapamilya prime-time series na Walang Hanggan.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, nakasaad na problemado diumano si Coco dahil "mayroon na itong ibang napupusuan."

Si Yassi ang itinuturong bagong napupusuan ni Coco.

Pero ilang araw bago pumutok ang balitang nanganak na si Julia, una nang pinabulaanan ni Yassi na wala siyang kinalaman sa kung anumang mayroon sina Coco at Julia.

Mabuting magkaibigan daw sila ni Coco, dagdag pa ni Yassi sa kanyang panayam sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong March 31.

Sa mismong Instagram feed ni Yassi, sinagot din niya ang isang netizen na nagsasabing third party siya sa relasyong Coco at Julia.

Ani Yassi na pinaaalis ang netizen sa kanyang Instagram account, "this is my account dear, only good vibes."

Nanatili namang tahahimik sina Coco at Julia hinggil sa isyu.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid rumored third party issue, Yassi Pressman posts cryptic message about staying strong despite troubles.
PHOTO/S: @yassipressman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results