Atom Araullo satisfied with his transfer to GMA Network

by Bernie V. Franco
Apr 18, 2019
Atom Araullo says he is satisfied with his transfer to GMA Network: "Natututo ako sa mga ibang mamamahayag dito na napakagaling sa ganitong klaseng larangan.”
PHOTO/S: Noel Orsal

“Wala akong maisusumbat.”

Ganito inilarawan ni Atom Araullo, 36, ang ginawa niyang pagbabalik sa GMA Network.

Taong 2017 nang ianunsyo ang paglipat ni Atom sa GMA mula ABS-CBN.

Naging bahagi si Atom ng 24 Oras ng GMA News and Public Affairs sa segment na “ATOMic Sports” noong 2004.

Lumipat siya sa ABS-CBN News and Current Affairs bilang news reporter noong 2005.

Ilan sa mga huling programang ginawa niya sa ABS-CBN ay Red Alert at ang daily-morning show na Umagang Kay Ganda.

Sinabi ni Atom na gusto niyang magpokus sa paggawa ng mga documentaries, kaya nagdesisyon siyang bumalik sa GMA-7.

Sa kasalukuyan, may pagkakataon si Atom na gumawa ng documentary sa I Witness.

"That has really been the bulk of my work with GMA.

"And I’ve been very lucky, so thankful to the organization, to let me to do documentaries through I Witness.

"And we’re still going to do a special once a month," paliwanag ng news anchor sa presscon ng GMA News Online program na Stand for Truth noong April 5.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Atom, "Wala akong maisusumbat. Kung ano yung gusto kong gawin nagagawa ko.

"At higit do’n, natututo ako sa mga ibang mamamahayag dito na napakagaling sa ganitong klaseng larangan."

GROWING WITH GMA-7

Pagpapatuloy ni Atom, maging siya ay nagnanais na patuloy na matuto.

"You have to keep on evolving still. Parang I’m always asking: what’s the next step? What do I have to learn? Where am I lagging behind?”

Kaya naman tinanggap ni Atom na maging isa sa mga host ng Stand for Truth bilang bagong medium ng pagbabalita.

"In many ways, this online news cast is a testament—that need to challenge yourself to be even better further.

"There’s no resting on your laurels.

"That’s true for GMA, and that’s true for myself, as well, as an individual, especially in this line of work."

Continue reading below ↓

Lubos daw na dedikasyon at tiyaga ang hinihingi sa larangan ng news and public affairs.

"You really never become an expert at it.

"You’re always learning something new and the technology keeps on changing to adjust and, sometimes, it’s exhausting, but it is what it is."

Dagdag ni Atom, "So, right now, even as I’m trying to become an even a better documentarist, I’m trying to become a multi-platform journalist by taking advantage of an expanding digital audience to do multi-media: writing text stories, trying to improve my photojournalism, or even exploring other methods of story-telling.

"I guess I’ve just been very lucky to be able to have this opportunity that not a lot of people have.”

Read Next
Read More Stories About
Atom Araullo, Stand for Truth
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atom Araullo says he is satisfied with his transfer to GMA Network: "Natututo ako sa mga ibang mamamahayag dito na napakagaling sa ganitong klaseng larangan.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results