David Licauco prefers women of Chinese descent for a girlfriend

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2019
David Licauco says he is comfortable posting topless pictures on social media.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon ang seksing aktor na si David Licauco.

Pinagpapantasyahan din siya ng mga bading dahil sa kanyang role sa katatapos lamang na serye sa GMA na TODA One I Love.

Sa ngayon, single si David. Ano ba ang mga hinahanap niya sa kanyang magiging girlfriend?

Kuwento ng Filipino-Chinese na si David, “If ever magkaroon ako ng girlfriend, I prefer non-showbiz.”

Continue reading below ↓

Tradisyon ba sa kanilang mga may lahing Tsino na ganun din ang kanilang magiging karelasyon o mapapangasawa?

Sabi niya, “Kasi sa mga Chinese dito sa Philippines, actually kahit hindi lang Philippines, mayroon sa Indonesia, Malaysia, Thailand, may mga Chinese.

“Mayroon kasing traditional Chinese, which is yung mga gusto din nila Chinese din yung makakatuluyan nila.

"Pero mayroon din namang mga modern Chinese na like the parents are more open.

“What’s good in my family naman siguro, mix. Siguro, I can say mas modern yung family ko.

"My dad isn't really traditional Chinese, my mom is not traditional Chinese, so yun.

“Pero, for me personally I would prefer Chinese rin kasi siyempre same yung upbringing, same magsalita, same mag-isip.

"And my family is into business, so if Chinese, hindi na ko mahihirapan.”

MORE SEXY ROLES

Sa kanya namang ginagawang pelikula ngayon na G! LU (Go! La Union), mas lalo pang magpapakita ng maganda niyang pangangatawan ang 23-year-old Kapuso actor.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni David, “Actually, lahat naman kasi kami medyo sexy scenes kasi nasa beach kami— obviously naka-topless, shorts, ganun.

“Pero, hindi kasi siya parang sexy film talaga. It’s more like barkada film, what happens within a barkada.

"May love, may kalokohan, so like marami talagang makaka-relate."

Continue reading below ↓

Kahit si David daw ay nakikita ang sarili niya sa papel niya bilang Patrick sa pelikula.

“Actually, mga lines nga namin, yesterday when I was reading the script, kung paano magsalita si Patrick, parang ako lang talaga. Some people would say that, so enjoy lang.”

ATHLETIC DAVID

Inusisa din namin ang binata kung bakit komportable siyang mag-post ng topless na mga larawan niya sa social media.

Continue reading below ↓

Tugon ni David, “Growing up naman kasi, nag-karate ako first and then I switched to tennis.

“And then naging basketball, as in varsity, competitive level so talagang all my life in the morning, nagba-basketball ako, practice, sa gabi, magdyi-gym ako, sa college, high school.

“So, I feel like na carry-over ko na lang siya to like now na artista ako.

“At least masipag! ako feel ko, hindi naman lahat ng artista ganun kasipag mag-workout, di ba?

“Parang yun ang backbone ko, doon ako nagsimula.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco says he is comfortable posting topless pictures on social media.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results