Rams David quashes Maine Mendoza, Arjo Atayde live-in issue

by Rose Garcia
Apr 17, 2019
Rams David clarifies Triple A star Maine Mendoza is not living under the same roof with Kapamilya actor Arjo Atayde: "Hindi totoo ang mga bali-balita about it. Parang, dalagang Filipina pa rin siya. Yung traditional..."
PHOTO/S: Ryan Agoncillo / Mark Nicdao

Mariing pinabulaanan ni Rams David ang malisyosong live-in issue sangkot ang alaga niyang si Maine Mendoza at rumored boyfriend nitong si Arjo Atayde.

Ito raw ang isa sa mga maling impormasyong kumakalat na gustong linawin ni Rams.

Si Rams ang tumatayong president ng Triple A Management at kilalang talent manager ni Maine.

"Ang daming kuwestiyon na kesyo ganito, kesyo ganyan daw. May nababalitang kesyo nagli-live in daw.

"That’s not true," diin ni Rams.

Dugtong niya, disente at dalagang Filipina si Maine.

"She has her own house—meron siyang condo, meron silang bahay sa Bulacan.

"Hindi totoo. Hindi totoo ang mga bali-balita about it.

"Parang, dalagang Filipina pa rin siya. Yung traditional, hindi yung kung kani-kanino lang, alam niyo yun?"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rams sa isang restaurant sa Quezon City, noong Lunes, April 15.

ON MAINE AND ARJO'S TRAVELS ABROAD

May mga nangba-bash kay Maine sa tuwing napapabalitang spotted ang dalaga kasama si Arjo.

Continue reading below ↓

May ilang netizens na kung anu-ano ang espekulasyon, lalo na iyong mga nag-iisip na ang dalawa lang ang magkasama.

Nakapag-Bali, Indonesia at Taiwan na ang rumored couple, pero sa parehong trip ay may mga kasamang kaibigan sina Maine at Arjo.

May ruling ba ang Triple A na hindi puwedeng ang dalawa lang ang magkasamang lalabas o magbabakasyon?

Sagot ni Rams: "Well, if the parents approved at alam naman namin kung sino ang kasama, wala naman kaming problema ro'n.

"Lalo na kung mga friends naman ang kasama, di ba? Mahirap i-curtail ang freedom niya pagdating sa mga ganyan.

"Siyempre, ang mga artista, they work round-the-clock, ilang araw sa isang Linggo. So, bigyan naman sila ng chance to enjoy life."

Bilang manager, malaki raw ang tiwala ni Rams kay Maine.

"So, ibigay mo ang tiwala mo. Kasi, ang hirap kapag hindi ka nagtiwala.

"Kunwari umalis, kung anu-ano ang naiisip mo. So parang ikaw rin mismo, parang wala ka ng sariling bait.

Continue reading below ↓

"Bakit mo pag-iisipan ng masama ang alaga mo, ang anak mo if you trust her? Ikaw pa lang mismo, bina-bash mo na siya."

GO HAPPY HEART

Sa nakikita kay Maine ngayon, hindi maikakailang masaya ito sa love life niya.

"Happy naman si Maine at siyempre, ayokong makialam sa love life, personal na niya ‘yan," saad ni Rams.

Mas hayagan ngayon si Maine sa kung anuman ang meron silang dalawa ni Arjo.

Kumusta ang Triple A Management sa pagiging open ni Maine sa love life nito?

"OK naman, transparent naman lahat, e," ulit ni Rams.

"We know naman what's going on, what’s happening. We trust her.

"We trust her na alam niya kung ano ang tama, ano ang priorities niya. At kapag time naman ng relaxation or vacation or may time siya, that’s her life, sa kanya na yun.

"At the same time, we trust her nga. Very respectful naman."

Maging ang pamilya Mendoza naman daw ay nirerespeto kung saan masaya si Maine.

Continue reading below ↓

"The family also respects her decision. Kung sino man ang gusto niyang makasama, maging boyfriend, or kung saan siya liligaya.

"I'm sure, the family is very respectful.

"And I think, they approved naman kung ano ang estado niya.

"Sinabi naman, di ba? Umakyat ng ligaw. So ibig sabihin, kilala na nila yung tao, yung bata, o si Arjo."

ON MAINE BEING ACCUSED OF PARTYING TOO HARD

May isyu rin na kesyo umiinom at lasengga diumano si Maine.

Natatawang nilinaw na lang ito ni Rams.

"She goes out with friends. Parang, sana hindi sila O.A. Sana walang O.A. Lahat naman tayo, lumalabas, umiinom kung kailangan uminom, especially if it’s social drinking.

"E, kung gusto mong mag-enjoy, kung gusto mong uminom...

"Parang wala naman akong nababalitaan na napagulo or umuwing lasing. Wala, walang-wala."

Dugtong pa niya, "Alam ni Maine kung ano ang limit niya."

Sa huli, nakiusap si Rams sa mga fans na hayaang ma-enjoy ni Maine ang pribado nitong buhay.

Continue reading below ↓

"Sana ibigay po natin kung ano yung ordinaryong tao. Let’s treat her as an ordinary person na nagta-trabaho, gustong sumaya, nagpapasaya.

"We want to see her happy, right? Bakit hindi natin suportahan?”

Kung si Rams nga raw na nakasama si Maine simula halos nang mag-umpisa ito sa Eat Bulaga! noong 2015, tahasan daw niyang masasabi na mas gusto niya kung ano ang nakikita niya ngayon kay Maine.

"Mas nae-express niya yung feelings niya.Natural siya ngayon, masaya. I like her now.

"Well, I like her naman before pa, even during AlDub days," sabi ni Rams tungkol sa pagbabago kay Maine mula nang makilala ito sa tambalang Yaya Dub at Alden Richards o AlDub.

"Siyempre, kanya-kanyang phase ng buhay ‘yan.

"May high, may low. So happy ako na happy siya."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rams David clarifies Triple A star Maine Mendoza is not living under the same roof with Kapamilya actor Arjo Atayde: "Hindi totoo ang mga bali-balita about it. Parang, dalagang Filipina pa rin siya. Yung traditional..."
PHOTO/S: Ryan Agoncillo / Mark Nicdao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results