Kyline Alcantara says Migo Adecer has moved on after hit-and-run incident

by Glenn Regondola
Apr 18, 2019
Kyline Alcantara on Migo Adecer: "Happy person pa rin po siya. He’s inspired, and still willing to prove himself.."
PHOTO/S: Jerry Olea

Masayahin pa rin si Migo Adecer sa set ng pelikulang Black Lipstick matapos itong maaresto noong Marso 26 dahil sa insidenteng hit-and-run sa Makati City.

“Well, yung happiness naman po niya, hindi naman po nagbago after ng incident,” sabi ng co-star niyang si Kyline Alcantara nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Abril 11, Huwebes sa Pandi, Bulacan.

“Happy person pa rin po siya. He’s inspired, and still willing to prove himself...”

Nag-open up ba ito sa kanya tungkol sa pinagdaanan? May pangaral ba siyang sinabi rito?

“Wala. Actually, hindi po ako. I don’t want to say anything,” tugon ni Kyline.

“Kumbaga, it’s one of the roller-coaster rides of his showbusiness career.”

Ano sa tingin niya ang pagbabago sa Kapuso actor mula nang ma-involve ito sa controversy?

Saad ni Kyline, “Well, mabait naman po talaga siya ever since. Nagkataon lang talaga na may nangyari sa kanya.”

MANOLO PEDROSA

Kumusta naman si Manolo Pedrosa, na katrabaho nila ni Migo sa Black Lipstick?

Continue reading below ↓

Sabi ng 16-year old singer-actress, “Ang nakikita ko kasi kay Manolo, he’s willing to learn in terms of his acting and enhancement of his talents.

“Kumbaga, lagi siyang nakikipag-usap sa acting coach namin, kung paano magpakilig, kung paano umarte.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Compared before, mas may nakikita na akong emosyon sa eyes niya, and he’s more connected sa akin at sa aming lahat.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on Migo Adecer: "Happy person pa rin po siya. He’s inspired, and still willing to prove himself.."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results