Is Jolo Revilla engaged to girlfriend Angelica Alita?

by Rachelle Siazon
Apr 22, 2019
Jolo Revilla and girlfriend Angelica Alita in Boracay during the Holy Week break. Taken from that vacation, a video showing a diamond ring on the finger of Angelica fuels speculations the two might have gotten engaged.
PHOTO/S: @jolo_revilla / @angelicaalita Instagram

Engaged na nga ba si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa girlfriend niyang si Angelica Alita?

Ito ang katanungan ng netizens na namataang may suot na diamond ring sa kanang kamay si Angelica, base sa Instagram Story nito, noong Sabado ng gabi, April 20.

Binibining Pilipinas 2016 first runner-up si Angelica, at sa video, nakahawak ang kanang kamay ni Angelica sa kanyang kanang pisngi, na tila sadyang ipinapakita ang suot na singsing.

Naka-tag sa video ang ilang kapamilya at kaibigan nila Jolo at Angelica na kasama nilang nagbakasyon sa Boracay nitong nagdaang weekend.

Halatang nagkakasiyahan ang grupo dahil sa malulutong na halakhak ng mga ito.

Continue reading below ↓

Linggo ng umaga, April 21, nang mag-post ng sweet messages para sa isa't isa ang magkasintahan.

Sabi sa caption ni Jolo, "Thanks for loving me for who I am.. Looking forward to more adventures in our wonderful journey together!"
Kalakip nito ang litrato nila ni Angelica sakay ng isang yacht sa Boracay.
Masuyong hawak ni Jolo ang ulo ni Angelica habang akmang hahalikan ang dalaga sa noo.
Ibang pose naman nila sa yacht ang ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram.
Pero nagpahayag din ang beauty titlist kung gaano niya kamahal ang nobyo.
"There's nothing not to love about you. Thank you for making our world so wonderful, on to the next."
Tila boto rin ang pamilya ni Jolo kay Angelica, base sa family picture ng pamilya Revilla kunsaan kasama ang dalaga.

INSTAGRAM OFFICIAL

Noong nakaraang Valentine's Day, February 14, isinapubliko ni Jolo ang tungkol sa relasyon nila ni Angelica.
Pati si Angelica ay masayang nagkuwento kung paano siya sopresang binigyan ng bulaklak ni Jolo.

Nagpahiwatig din ang dalaga na magkasundo sila ni Jolo pagdating sa kwela nilang adventures.

Minsan na raw kasi silang nag-hiking papuntang tuktok ng Hollywood sign sa Los Angeles, California. Kahit na pareho silang nahirapan at naligaw pauwi ay na-enjoy pa rin nila.
Si Jolo ay 30 years old, habang si Angelica naman ay 23.

DATING HISTORY

Ang huling girlfriend ni Jolo ay ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Sinasabing on-and-off ang relasyon ng dalawa sa loob ng anim na taon, hanggang sa tuluyan silang naghiwalay bandang June 2018.

Si Angelica ay dating girlfriend ni Brian Poe Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe.

Noong August 2018 ay may Instagram post pa si Brian ng litrato nila ni Angelica.

Pero lumalabas na hiwalay na rin ang dalawa sometime in 2018.
Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, angelica alita
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Revilla and girlfriend Angelica Alita in Boracay during the Holy Week break. Taken from that vacation, a video showing a diamond ring on the finger of Angelica fuels speculations the two might have gotten engaged.
PHOTO/S: @jolo_revilla / @angelicaalita Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results