Did Dingdong Dantes consider transferring networks in his 21 years with GMA-7?

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2019
Dingdong Dantes says he has been loyal to GMA-7 for the past 21 years and still counting because of the trust that the network gave him.
PHOTO/S: Noel Orsal

"No, never."

Mariing sagot ito ni Dingdong Dantes, nang tanungin siya kung sa higit dalawang dekada niya sa GMA Network ay ikinonsidera niya ang lumipat ng network.

Ngayong April 22, Lunes, nag-renew ng kontrata ang tinaguriang Kapuso Prime-time King sa kanyang home network.

Diin pa ng aktor, bago pa man ang kanyang pagpirma ay desidido na siyang manatiling Kapuso.

"Oo, matagal na rin po silang nag-uusap and nagkataon na maraming breaks, maraming nangyari," bungad ni Dingdong.

Nang matapos ang pinagbidahan nila ni Dennis Trillo na teleseryeng Cain at Abel noong Pebrero, naging abala raw siya sa pag-aalaga sa asawa niyang si Marian Rivera.

Noong Holy Tuesday, April 16, nanganak si Marian.

"Nag-leave din ako dahil nabuntis si Marian. And naging perfect lalo ito ngayon dahil one day after Easter," pagtukoy niya sa kasunod na blessing na natanggap niya matapos ang Easter Sunday.

Inusisa ng entertainment press si Dingdong kung hindi ba niya ikinonsidera ang lumipat ng network, gaya ng ibang artista.

Continue reading below ↓

Malinaw sa sagot ng aktor ang pananatili niyang loyal sa Kapuso Network.

"In any relationship, nasa trust yung pundasyon niya, bukod sa pagmamahal.

"Magmula nung umpisa hanggang ngayon, yung dalawang iyon, yung pagmamhal at yung tiwala, e, buong-buong ipinakita sa akin ng GMA, kaya gayundin ang isusukli ko sa kanila.”

Pero may pag-iwas din ang aktor nang matanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sa loob ng 21 taon ay may nakuha siyang offer mula sa anumang rival network para lumipat.

Sagot ni Dingdong, "Ang mahalaga yung ngayon, e.

"Kasi parang kung titingnan natin yung nakaraan, di sana isasama na rin natin yung kapalpakan ko, lahat ng failures ko, at madami iyon.

“But what's important is what we have right now.

"And para sa akin it's such a huge blessing, and mas ginaganahan akong magtrabaho ngayon, at gagawin ko ang lahat para maging maayos itong ine-expect nila sa akin ngayon.”

Continue reading below ↓

Samantala, kasabay ng pag-renew ng contract ni Dingdong sa Kapuso Network ay ang announcement na pagbibida ng aktor sa gagawing Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Ito ang 2016 Korean drama hit series na pinagbidahan nina Song Joong-ki at Song Hye Ko, na naging magkasintahan sa tunay na buhay at ikinasal noong October 31, 2017.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes says he has been loyal to GMA-7 for the past 21 years and still counting because of the trust that the network gave him.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results