Ronnie Alonte posts video of his birthday surprise for girlfriend Loisa Andalio

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2019
Ronnie Alonte pulls out all the stops to make his girlfriend Loisa Andalio feel special on her 20th birthday.
PHOTO/S: Ronnie Alonte Facebook / Instagram

"Para sayo! Loisa Andalio #happybirthday"

Ito ang mensahe ni Ronnie Alonte para sa girlfriend niyang si Loisa Andalio, na nagdiwang ng ika-20 kaarawan noong Linggo, April 21.

Todo-effort si Ronnie sa inihanda niyang surprise birthday celebration kay Loisa sa isang bahay, na dinesenyuhan ng binata ng rose petals, tea light candles, at balloons sa sahig.

Sa gitna ng sala ay may high table at dalawang bar chairs kunsaan nakunan ng litrato ang couple habang may hawak na bouquet of red roses ang dalaga.

Sabi ni Ronnie sa kanyang Instagram post, "Di ako ganitong tao! pero Para sayo gagawin ko sumaya ka lang!!

"Happy birthday sa pinaka mamahal kong babae bukod sa nanay ko!"

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na post ni Loisa, ipinakita niya ang ilang litrato kasama ang mga kaibigan nilang kinuntsaba ni Ronnie para sa ginawa nitong sorpresa.

Mayroon ding picture ang isang singer at gitarista na kinausap ni Ronnie para haranahin si Loisa.

"Thank you ng sobra sayo beh para sa lahat, I love you very much!" saad sa caption ng hiwalay na post ni Loisa.

Kalakip nito ang mga katagang "always and forever" na may heart at crying emojis.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

FROM PREPARATION TO THE SURPRISE PARTY

Lunes ng gabi, April 22, proud namang ipinakita ni Ronnie ang video kung paano niya pinaghandaan ang 22nd birthday ni Loisa—mula sa pagbili ng party needs hanggang sa pagdating ng nobya sa venue.

Pagpasok ni Loisa ng bahay ay pumailanlang ang live performance ng kantang "I Love You Always Forever."

Halatang kinikilig si Loisa nang inabot sa kanya ni Ronnie ang bouquet of flowers sabay masuyo siyang hinalikan sa noo.

Pagkatapos ay magkayakap na nag-sway ang couple habang nakikinig ng love song.

Sabi ni Loisa kay Ronnie, "Thank you, Beh! Love you! Ang ganda."

Sina Loisa at Ronnie ay nagkakilala nang maging miyembro sila ng GirlTrends at Hashtags sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Noong November 27, 2018, umamin sila ng dalawang taon na silang magkarelasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte pulls out all the stops to make his girlfriend Loisa Andalio feel special on her 20th birthday.
PHOTO/S: Ronnie Alonte Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results