Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

CA upholds 7-year sentence vs celebrity doctor Joel Mendez

by Arniel C. Serato
Apr 23, 2019
Celebrity doctor Joel Mendez is facing imprisonment after the Court of Appeals (CA) denied his motion for reconsideration.
PHOTO/S: Courtesy: Joel Cruz / Mathieu Padilla on Facebook

Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) na nagpataw ng anim hanggang pitong taong pagkakakulong sa celebrity and beauty doctor na si Joel Mendez.

Ito ay dahil sa hindi pagbabayad ni Mendez ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanyang halos 40 tauhan.

Noong 2016 ay hinatulan ni Judge Rossana Fe Romero-Maglaya ng QC-RTC Branch 88 si Mendez ng anim na taon at isang araw hanggang pitong taong pagkabilanggo dahil sa paglabag nito sa Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997.

Umabot sa PHP1.87M ang hindi na-remit ng celebrity doctor sa SSS na kontribusyon sana ng kanyang mga empleyado mula October 2011 hanggang January 2013.

Inapela ito ng kanyang kampo sa Court of Appeals noong August 2018 dahil, ayon kay Mendez, hindi dumalo ang kanyang abugado sa mga hearing o kaya'y hindi ipinaalam sa kanya ang hearing dates.

Continue reading below ↓

Sa desisyong pirmado ni Associate Justice Edwin D. Sorongon noong April 16, 2019, nakasaad dito na ibinasura ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng doktor.

Ayon pa sa pitong-pahinang desisyon, kasalanan ni Mendez kung bakit hindi niya inaalam tuwi-tuwina sa kanyang abugado ang update ukol sa kaso.

Bukod dito, nahaharap din si Joel sa kasong two counts of rape at attempted rape sa Mandaluyong City Regional Trial Court (MC-RTC) dahil sa mga kasong isinampa ng isa niyang dating modelo.

Ayon sa modelo, minolestiya siya ni Mendez sa isang session nila sa beauty clinic nito.

July 12, 2018, naaresto ng Mandaluyong City Police si Mendez dahil sa mga kasong kinahaharap, ngunit kinabukasan, July 13, ay nakalaya rin ito matapos maghain ng piyansang umabot sa PHP360,000.

Wala pang pahayag ang kampo ni Mendez tungkol sa desisyon ng CA.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity doctor Joel Mendez is facing imprisonment after the Court of Appeals (CA) denied his motion for reconsideration.
PHOTO/S: Courtesy: Joel Cruz / Mathieu Padilla on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results