Gwen Zamora replies to netizen questioning her relationship with David Semerad

by Rachelle Siazon
Apr 24, 2019
Unfazed by bashers, actress Gwen Zamora tells her basketball player-boyfriend David Semerad: "Yass, ill be your little goof ball any day baby."
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram

Hindi nagpatinag sina Gwen Zamora at David Semerad sa kabila ng pambabatikos ng ilang netizens sa ipinapakitang intimacy ng couple sa kanilang Instagram posts.

Si Gwen, 28, ay dating mainstay ng GMA-7 gag show na Bubble Gang, habang si David, 27, ay basketball player ng TNT Katropa sa PBA.

Noong April 20, tila naglalambing si Gwen kay David nang ihayag ng aktres ang pagtatangi niya sa binata.

Kalakip nito ang wacky picture ng couple kung saan nakalabas ang dila ni Gwen habang si David ay nakanguso at akmang hahalikan ang aktres.

"Yass, ill be your little goof ball any day baby #DavidAndGwenStory," saad sa caption ni Gwen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Isang netizen ang pumuna sa umano'y lantarang intimacy ng couple, gayong hindi raw nakasisiguro si Gwen kung panghabambuhay na ang relasyon nila ng nobyo.

Komento ng netizen, "I hope he marries you because after this youl be a damaged meat even a dog will refuse to eat."

Tila chill lang ang reaksiyon ni Gwen sa netizen.

Kalakip ang isang neutral-faced emoji, balik-sagot ng aktres: "what kind of meat are you?"

Swabeng dinepensahan din ni David ang kanyang girlfriend.

Aniya, "@gwenzamora let’s cook him up baby, slowly...."

Continue reading below ↓

May ilan ding supporters sina Gwen at David ang nagsabing huwag na lang nilang pansinin ang bashers.

Bago ito ay nabatikos na rin ang couple dahil sa semi-nude photo na pinost ni Gwen sa Instagram noong Biyernes Santo.

May mga netizen na ring kumuwestiyon noon kung nakasisiguro ba ang aktres na balang-araw ay pakakasalan siya ni David.

"Soon soon," ang malaman pero bitin ang sagot noon ni Gwen.

Noong April 14 ay ipinagdiwang nina Gwen at David ang kanilang monthsary, pero hindi nabanggit kung ilang buwan na silang magkarelasyon.

Read Next
Read More Stories About
David Semerad, Gwen Zamora
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unfazed by bashers, actress Gwen Zamora tells her basketball player-boyfriend David Semerad: "Yass, ill be your little goof ball any day baby."
PHOTO/S: @gwenzamora Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results