Ellen Adarna steps out in public with friends; is John Lloyd Cruz in Bali with her?

by Rachelle Siazon
Apr 25, 2019
Ellen Adarna and son Elias Modesto spotted together with a select group of friends and relatives vacationing in Bali, Indonesia
PHOTO/S: @vitoselma / @mikaadarna Instagram Story

Sa kauna-unahang pagkakataon, tila hinayaan ni Ellen Adarna na makita siya ng publiko sa pamamagitan ng social media posts ng piling mga kaibigan at kaanak.

Ito ay matapos ang ilang buwang pag-focus niya sa pag-aalaga ng anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Lumipad patungong Uluwatu, Bali, Indonesia ang grupo nina Ellen para magbakasyon sa isang luxurious resort doon.

Hindi malinaw kung kasama ni Ellen si John Lloyd, na kamakailan lang ay namataan sa iba't ibang probinsiya sa bansa.

Kagabi, April 24, sa Instagram Story ng kaibigan ni Ellen na si Vito Selmo, mapapansing naka-tag pareho sina Ellen at John Lloyd, na may Instagram handle na @emg.a at @_idancruz, respectively.

Pero hindi malinaw sa litrato kung naroon ang aktor.

Continue reading below ↓

Hayagan namang nagpakita sa videos si Ellen, na masayang nakikipag-inuman sa mga kaibigan at kaanak sa private villa ng isang resort sa tabing-dagat.

Base ito sa hiwalay na Instagram Story ng kaanak ni Ellen na may handle na @mikaadarna.

Kalakip nito ang written text na "sunset sessions."

Ngayong Huwebes ng umaga, April 25, muling nag-post si Vito ng maiksing video habang nagsu-swimming si Ellen, anak nitong si Elias, at ilan pang mga kasamahan.

Continue reading below ↓

Makikitang pag-pan ng camera sa bandang kaliwa, sa may hindi kalayauan ay may isang lalaking nakatalikod at tila tumatanaw sa beach.

Hindi malinaw kung ang lalaking iyon ay si John Lloyd o isa sa mga kasamang kaibigan nilang naroon.

JOHN LLOYD AND ELLEN SIGHTINGS

Huling namataang magkasama sina John Lloyd at Ellen sa Queen City Memorial Gardens sa Cebu City noong April 2, ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 4.

Continue reading below ↓

Sa nasabing sementeryo nakalagak ang mga labi ng ama ni Ellen na si Alan Modesto Adarna, na pumanaw noong May 31, 2018.

Maliban doon, sumunod na naiulat ang hiwalay na sightings kay John Lloyd sa Cebu, Lanao del Sur, Cagayan de Oro, at Bukidnon.

Parehong hindi na aktibo sa showbiz sina Ellen at John Lloyd mula nang ianunsiyo ng aktor ang kanyang "indefinite leave" mula sa showbiz noong October 2017.

Huli silang napanood sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and son Elias Modesto spotted together with a select group of friends and relatives vacationing in Bali, Indonesia
PHOTO/S: @vitoselma / @mikaadarna Instagram Story
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results