Former basurero Isko Moreno vows to address Manila garbage problem

by Jerry Olea
Apr 25, 2019
Isko Moreno: "If the number one problem of the City of Manila is garbage, suwerte rin sila. Bakit? May kandidato na silang mayor na basurero.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Basura ang isa sa pinakamalaking problema ng Maynila, ang capital city ng Pilipinas.

“Modesty aside, ‘no, alam mo talaga ang tadhana, o ang Diyos, maraming pamamaraan,” nakangiting pahayag ng 44-anyos na si Isko Moreno nitong Abril 24, Miyerkules, sa Casa Roces, J. P. Laurel St., Manila.

“If the number one problem of the City of Manila is garbage, suwerte rin sila. Bakit?

“May kandidato na silang mayor na basurero.”

Basurero si Isko sa Tondo mula edad 10 hanggang 18, hanggang na-discover siya ni Daddy Wowie Roxas sa isang lamay para mag-artista.

“Naturally! Naturally!” masayang pagpapatuloy ni Isko.

“Exactly! Kumbaga, ang Diyos talaga, minsan maraming ways of doing it.

"Biruin mo, ang problema, basura; 'tapos ako, dating basurero.”

SOLVING THE GARBAGE PROBLEM IN MANILA

Idinetale ni Isko ang mga hakbang na ipatutupad niya sakaling ma-elect siyang mayor ng Manila.

“First week, first month, first 100 days—we will address the garbage problem in Manila Bay,” maigting na sambit ni Isko.

Continue reading below ↓

“In Muelle de Binondo, in Estero de Magdalena, the one that you see in television and news, and the streets of Manila.

“Two, meron kaming programa ni Honey [Lacuña, kandidatong vice mayor]—Pagkain sa Basura.

"Sabi ko sa inyo, para akong basurerong mayor.

“Iyong basura mo, kinukuha ko dati noong basurero ako. Ngayon, baligtad.

“Tayo na ang gobyerno, iyong basura mo, kinukuha ko, binabayaran ko ng pagkain.

“All those recyclable materials—carton, plastic, tansan, aluminum, tansong dilaw, tansong pula, bakal—huwag mong isama siya sa regular garbage.

“A system of segregation will be implemented. Kasi, two effects ‘yan, e.

"One, economic, for individuals. Two, load of garbage in our dumpsite, wherever it is.

“So, ibig sabihin, mababawasan mo, may economic effect pa sa buhay ng tao—me, being a basurero.

“Iyang concept na ‘yan, in my heart, kahit nakapikit ako, kabisado ko.

"And maganda lang ngayon, sa mga makabagong gobyerno, sa ibang bansa, they’ve been doing it, kaya lang mas high tech.

Continue reading below ↓

“Did you know that there is a country in Europe wherein there’s an ATM for garbage?”

Pagpapatuloy ni Isko habang nagmumuwestra, “Iyong bottle, ipasok mo sa ATM machine, bibigyan ka niya ng coupon. Pero cash.

“Ako naman, baligtad. Not to engage... alam mo, may away rin ‘yan kapag... kaya pagkain lang.

“So, iyong basura mo, you will be given a coupon, with corresponding points.

"Points accumulated equal to, halimbawa, dalawang kilong bigas, asukal. Mga basic goods sa bahay.

“It’s one way of encouraging and educating the next generation.

“If their parents, nakikita nila, are already segregating inside the household—hindi na itinuturo sa eskuwelahan, sa bahay pa lang—then, a new generation will come na sensible na rin. Sensitive na rin to the environment.

“Third, I’ll bring back Metro Aide. Alam natin na magaling ang Metro Aide noong araw.

“Umaga, may nagwawalis; tanghali, may nagwawalis; hapon, may nagwawalis. Walang tigil ‘yan. Walang humpay ‘yan.

Continue reading below ↓

“And it’s a decent job at the time. Even though you’re just a street sweeper, but it’s a decent job.

“Why? Because they are hired and regular employees of the government. May benefits

“If you are doing the same thing all over again, every day, you’ll be good at it. Kumbaga, magiging espesyalista mo yun.

“E, bakit naman sila magiging... every day iyon ang gagawin nila, kasi panatag na sila, na tuwing ikalimang buwan, hindi na sila kakabahan kung mainit pa ang ulo ni Mayor, kung tatanggalin sila, kasi, J. O. lang sila.

“We’ll give them peace of mind. Job security. We’ll hire more people based on our capacity with regard to personal services.

“Tapos, we’ll train them, make them more efficient.

“This is about six districts, 896 barangays.

“We’ll have competition among the barangays. Palinisan. Isa bawat distrito. Anim na distrito. Mananalo sila ng tigwa-one million [pesos].

“Yes, one million para sa pinakamalinis na barangay ng bawa’t distrito sa bawa’t taon. What is P6M every year with 896 barangays competing against one another?

Continue reading below ↓

“We’re paying P800M, there’s still garbage. I think, logic will dictate among right minds,” matamis na pagngiti ni Isko.

“If we can afford to pay P800M just to collect garbage and here you are, you’re asking me about this type of problem that you saw already, then, I think, what is P6M addition to whatever existing just to pump up, to motivate?

“Isa pa lang iyan na problema, pero lima ang approach namin. Because the very nature of me, iyan ako, e. Iyan ang linya ko.”

Nananalig si Isko na kailangan lang linisin ang Maynila upang lumutang ang ganda nito.

TAX AND SENIOR CITIZENS

Kasunod ng problema sa basura, ikalawa sa pagtutuunan ni Isko ng pansin kapag naging mayor siya ay taxation.

Ikatlo ang social pension ng senior citizens.

Maigting na pahayag ni Isko, “Meron akong sinabi sa proclamation, it’s a bold statement when I said, ‘Dadalhin ko ang Makati sa Maynila!’

Continue reading below ↓

“Not the physical, ha? Ang ibig kong sabihin, the social services that Makati residents are receiving from the city government, can be done also, can be duplicated in the city of Manila.

“For example, pension ng senior, allowance ng estudyante. If they can do it in Makati, why can’t we do it here?

“Hospital, of course. We’ll put up a new Ospital ng Maynila.”

CANNOT HIDE THE PAST

Nag-throw back si Isko sa pagsisimula niya sa showbiz.

Natatawa niyang salaysay, “When I was being introduced to showbiz, ang naisip nilang packaging ko, Atenista raw.

“E, hindi ako marunong mag-English!

“Kino-conceptualize nila ang image ko bilang anak-mayaman, kasi tisoy, e!

"E, hindi ako marunong mag-English. Sabi ko, mapapahiya tayo.

“Sabi ko, ‘Daddy [Wowie], huwag po. Baka mapahiya lang ako. Saka nakakahiya sa mga kapitbahay ko sa Tondo, sa mga kaklase ko. Kilala nila ako!’

“OK, good thing. Kaya ko lang naikuwento iyon in passing, because tingnan mo...

Continue reading below ↓

“Hindi mo talaga maikukubli ang nakaraan!

“Alam mo kung bakit? What if dinenay ko? What if binago, because of packaging, na ako’y galing sa basurahan... alam mo bang may video sa lamayan ng patay, amateur video, kinukuhanan yung patay kung saan ako na-discover?

“Nag-pan. Tinamaan ako ng kamera.

“I swear to God. Nasa laptop ko yun.”

Alam ng mga anak ni Isko ang hirap na pinagdaanan niga bilang basurero noong kabataan niya.

Aniya, “They know where I came from. They know my house. I’ve shown them. Nakikita nila lahat.

“Meron nga kaming painting sa bahay. Isang painting, nagtutulak ng kariton.

“To keep on reminding them of their father. I alwas tell them, ‘Always be humble.’

“Kapag ako nga ay mababang loob, sila naman ay mapagmataas, ay di masakit magsalita ang tao, ‘Kayabang-yabang mo, yung tatay mo, basurero lang!’

“So, I always tell them.”

DIRTY POLITICS

Siyempre pa, marumi ang labanan sa pulitika, at maraming putik ang ibinabato kay Isko.

Continue reading below ↓

Pagkibit-balikat ni Isko, “Alam mo, sa buhay, kung meron man akong dapat ipagpasalamat sa Diyos, may iced tea pa ako ngayon,” sabay hawak at inom ng iced tea sa harap niya.

“Iced tea ‘to, e. Mahal ‘to, di ba? Malamang, mga sisenta pesos ito o otsenta pesos.

“E, noong araw, kapag may singkuwenta pesos ako, fiesta na ang buhay ko.

“Kaya totoo, sa buhay nating lahat, tayo—in every sectors and fields of undertaking—we fail, nadadapa tayo, nagkakamali tayo.

“But you know, I was taught by my friends, older friends, younger friends, by my professors, on how to appreciate life. Appreciate things.

“Because if you know how to define these types of situation, and you can look back on whatever you have, you’ll be a happier person.

“Kaya iyong mga tao na ayaw huminto ay mga taong walang kabusugan.

“At kapag ang tao’y walang kabusugan, walang kaligayahang matatamong masayang totoo.

“Superficial happiness.

Continue reading below ↓

“Kaya ako, if I fail, bangon ako. I fail, bangon ako. I fail, bangon ako..."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno: "If the number one problem of the City of Manila is garbage, suwerte rin sila. Bakit? May kandidato na silang mayor na basurero.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results