John Lloyd Cruz joins Ellen Adarna, son Elias in Bali, Indonesia

by Arniel C. Serato
Apr 25, 2019
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna are enjoying their vacation in Bali, Indonesia with their son and friends.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tinuldukan na mismo nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang haka-hakang nagkakalabuan na sila.

Nag-ugat ang hinala tungkol sa diumano'y pagkakalabuan ng mag-partner dahil sa social media posts ng ilang netizens kung saan spotted ang aktor na mag-isa.

Una na rito ang sightings ni John Lloyd sa Lanao del Sur noong April 17, kung saan dinalaw raw nito ang kanyang best friend na dating vice-mayor doon.

Pangalawa, ang pagbisita ng semi-retired actor sa Cagayan de Oro noong Sabado de Gloria, April 20.

Pangatlo, ang pamamasyal niya kasama ang ilang non-showbiz friends sa isang adventure and nature park sa Bukidnon.

Kahapon, April 25, nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang larawan ni Ellen na kuha sa Bali, Indonesia.

Sa mga lumabas na larawan, kasama ng aktres ang anak na si Elias Modesto at ilang kaibigan.

Hindi malinaw kung kasama sa kanilang bakasyon si John Lloyd.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD CRUZ IS ALSO IN BALI

Kinagabihan, nag-post ang ilang kaibigan ni Ellen ng mga larawan sa kani-kanilang Instagram Stories.

Sa group photos ay makikitang kasama si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Halatang bago ang mga larawan dahil walang ipinagkaiba ang hitsura ni John Lloyd sa mga larawan niya sa Lanao del Sur, Cagayan de Oro, at Bukidnon.

Mahaba pa rin ang buhok at balbas-sarado pa rin ang aktor.

Naka-leave pa rin sa showbiz si John Lloyd dahil pinili niya ang simpleng buhay kasama si Ellen at ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna are enjoying their vacation in Bali, Indonesia with their son and friends.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results