Sylvia Sanchez refuses to answer questions about Maine Mendoza

by Melba R. Llanera
Apr 28, 2019
Sylvia Sanchez remains relentless in her search for her missing dad: “Of course, kahit masaya na ako sa buhay ko, kahit successful na ako, mayroon pa ring kulang sa puso ko, mayroon pa ring butas."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi raw nakikialam si Sylvia Sanchez sa buhay pag-ibig ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde.

Nagpahayag siya ng paghanga kay Maine Mendoza sa ginawang pag-amin nito tungkol sa totoong lagay ng kanilang relasyon ni Arjo, at aware din si Sylvia sa espesyal na nararamdaman ni JM de Guzman para sa dalagang anak niyang si Ria.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sylvia, sinabi nitong nirerespeto niya kung sinuman ang taong mamahalin ng kanyang mga anak.

Saad niya, “Bahala sila, matanda na sila.

“Wala na akong pakialam sa kanila.

“Basta magtulungan na lang sila.

“Buhay nila yun, ayokong pakialaman.

“Hindi ko naman talaga pinanghihimasukan, not unless na pasaway na yung boyfriend-girlfriend nila.

“Doon na ako nakikialam. Pero yung magligawan diyan, pakialam ko?”

MUM ON ARJO'S RELATIONSHIP WITH MAINE

Sa nakaraang interview niya sa Tonight With Boy Abunda, naibahagi ng aktres ang paghanga niya kay Maine na pinanindigan nito sa mga tagahanga ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Arjo.

Continue reading below ↓

Nang hingan ng PEP.ph ng reaksyion tungkol dito si Sylvia ay umiwas na itong magsalita tungkol aa Kapuso actress.

Pahayag niya, “Alam mo naman ako pag sumagot, dire-diretso ang bibig.

“Huwag nang Maine, huwag na.

“Kawawa na si Maine. Basta, huwag, huwag, huwag, out 'yan.

“Di na 'yan dapat pag-usapan, sa kanila' yan."

Sa kabilang banda, nababaitan naman daw si Sylvia sa Kapalaran co-star niyang si JM de Guzman kahit dati pa.

“Si JM kasi, matagal ko na siyang kilala.

“Mabait yun na bata, mabait si JM,” pagmamalaki niya.

SEARCH FOR MISSING DAD

Patuloy pa rin ang paghahanap ni Sylvia Sanchez sa nawawalang ama na huli niyang nakita nung sampung taon pa lang siya.

Pag-amin niya, “Of course, kahit masaya na ako sa buhay ko, kahit successful na ako, mayroon pa ring kulang sa puso ko, mayroon pa ring butas.

“Kahit naman pagtanda ko, kahit anuman ang narating ko, di naman nun mapapalitan nun ang tatay ko.

Continue reading below ↓

“Tatay ko yun, e. Tine-trace na kung saan siya huking nakita.

“Bahala na, kung ano ang gusto ng Diyos, magkita kami o hindi.”

THANKFUL FOR ACTING AWARD

Nanalo si Sylvia bilang Best Actress sa nakaraang Sinag Maynila para sa pelikulang Jesusa.

Labis ang pasasalamat ng aktres sa mga kumikilala sa husay niya sa pagganap.

Aniya, “Masaya, nakangiti pa rin na hanggang ngayon may naniniwala at kumikilala sa kakayahan ko bilang artista.”

Malapit na rin siyang mapanood sa seryeng Kapalaran ng ABS-CBN.

Excited ang Kapamilya actress sa muli nilang pagtatambal ni Joey Marquez sa isang proyekto.

Saad niya, “Ay, masaya! Ang saya namin!

“Si Joey Marquez ang leading man ko.

“Four times kami nagkasama sa mga pelikula, 'tapos nung solo na niya sa pelikula, ako na.ang leading lady niya uli kaso nabuntis ako kay Arjo, kaya di na natuloy ang loveteam namin sa industriyang ito.”

Continue reading below ↓

PROJECT WITH ARJO AND RIA

Tinanong din namin si Sylvia kung may tsansa ba na magkasama-sama sila ng mga anak sa isang proyekyo.

Pagkumpirma niya, “Yes, balak ko talaga yan.

“Actually, mayroong project na nilalapit sa amin, kaming tatlo pero di pa right time.

“Tamang timing ang kailangan, di pa yan, maybe two years from now, three yars from now.

“Wag muna ngayon. masyadong maaga.”

Sa thanksgiving presscon na binigay ng pamilya Atayde para sa mga press, nagpasalamat sila sa mga magagandang nangyayari sa career nilang mag-iina.

Lahad ng aktres, “Nagpapasalamat ako sa Diyos, sobra-sobrang pasasalamat.

“A thank you is not enough na sabihin ko sa Diyos, basta, me and my God na lang kung anuman yun.

“Happy ako, masaya kami.

“Walang reason na malungkot ako.

“Napakasama ko ng tao para malungkot ako sa mga natatanggap naming biyaya at okay ang pamilya namin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez remains relentless in her search for her missing dad: “Of course, kahit masaya na ako sa buhay ko, kahit successful na ako, mayroon pa ring kulang sa puso ko, mayroon pa ring butas."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results