Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Max Collins, Pancho Magno not in a hurry to have a baby

by Rommel Gonzales
Apr 28, 2019
Kapuso actress Max Collins on her MMFF 2018 Special Jury Prize for Rainbow's Sunset: “Naging validation siya na ituloy yung career ko as an actress, na as long as I really work hard, talagang may maa-achieve ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa rin daw kina-career nina Max Collins at ng mister niyang Kapuso hunk na si Pancho Magno na makabuo agad ng anak.

Lahad niya, “We’re not trying right now because we have work.

“So ako, since itong Bihag umeere na, 'tapos siya kaka-start lang niyang mag-taping, hindi pa namin kaya.”

Ang Dahil Sa Pag-ibig na bagong serye ng GMA-7 ang ginagawa ngayon ni Pancho kasama sina Winwyn Marquez, Sanya Lopez at Benjamin Alves.

“And marami pa kaming gustong puntahan.

“Hindi pa kami nakakapag-honeymoon,” rebelasyon ni Max.

Ikinasal sila ni Pancho December 11 last year.

DREAM HONEYMOON DESTINATIONS

Saan ba nila plano ni Pancho na magpunta para sa kanilang honeymoon?

Saad niya, “Gusto namin mag-European trip ng mahaba, like at least three weeks.

“Sa Portugal, Spain, Italy, Russia… parang iikutin namin ang Europe bago ako mabuntis, so at least marami kaming makikita before I get pregnant.”

Pagkatapos ba ng pag-ere ng Bihag sila magbibiyahe ni Pancho?

Continue reading below ↓

Estima niya, “Depende rin sa schedule, maybe more of next year.

“It’s about timing din, ayaw naming biglain kasi siyempre mahirap talaga, e.

“Mahirap pag hindi ka handa.

“Mahirap kahit handa ka po, di ba?

“So we really want to be ready pag dumating yung araw na yun.”

VALIDATION AS ACTRESS

Last December, bukod sa kasal nila ni Pancho, isa pang espesyal na kaganapan ang naranasan ni Max at ito ay ang pagkapanalo niya sa Metro Manila Film Festival ng Special Jury Prize.

Gumanap si Max bilang young Gloria Romero sa pelikulang Rainbow's Sunset.

Pagbabalik-tanaw niya, “Oh my God, I was shocked!

“As in, hindi talaga ako makapaniwala.

“As in, nung tinawag yung pangalan ko, ‘What, what?!’

“I was so grateful because naging validation siya para sa akin, since ang tagal ko na sa showbiz and parang minsan mapapaisip ka rin na, “Saan pupunta ‘to?’

“Like, ‘Will I really be a serious actress?’

Continue reading below ↓

“So, naging validation siya na ituloy yung career ko as an actress, na as long as I really work hard, talagang may maa-achieve ako.

“Because for Rainbow's Sunset, I really worked hard for that one.

“Kahit maikli lang yung role ko, as in buong araw...

“I mean, iniisip ko ang bawat eksena ko buong araw.”

Sa Bihag naman na serye ng GMA ay gumaganap si Max bilang si Jessie.

Nasa Bihag din sina Jason Abalos bilang si Brylle, Sophie Albert bilang Reign, Raphael Landicho bilang Ethan, Neil Ryan Sese bilang Amado at Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda.

Ang Bihag ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

Napapanood ito pagkatapos ng Dragon Lady.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Max Collins on her MMFF 2018 Special Jury Prize for Rainbow's Sunset: “Naging validation siya na ituloy yung career ko as an actress, na as long as I really work hard, talagang may maa-achieve ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results