JK Labajo rants anew about rude concertgoers

by Bernie V. Franco
Apr 29, 2019
Singer JK Labajo posts his complaint versus people who think taunting performers at concerts is cool.
PHOTO/S: @caluyapiolo via Instagram

"Nakakahiya."

Ito ang pahayag ni JK Labajo, 18, hinggil sa concertgoers na nagpapansin sa pamamagitan nang pambabastos ng mga artist na nagpe-perform sa entablado.

Ipinost ni JK ang kanyang hinaing sa kanyang Instagram Story nitong April 28, Linggo, pero hindi nagdetalye kung anong performance ang kanyang tinutukoy.

Maaanghang ang mga pinakawalang pahayag ng singer tungkol sa aniya’y mga bastos na concertgoers.

Bungad niya, “Puro pagpapansin ang ginagawa sa mga gigs ng mga taong walang modo na nakikisabay lang sa bandwagon ng mga ulol na walang ibang magawa sa buhay kung hindi ay mambastos sa artist na nagpe-perform sa mga lugar nila.

“Mga walang respeto sa kapwa. mga walang hiya. Naawa ako sa mga magulang ninyo.”

Halata rin sa post ni JK ang kanyang frustration tungkol sa mga “nakakahiyang” ugali ng mga manonood na ito.

“Kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa abay dapat makapunta nako sa kabilang dulo ng mundo bago pa maging huli ang lahat.

Continue reading below ↓

“kung kayo ang kinabukasan ng ating bansa, nakakatakot isipin."

Nito lamang March, hindi naiwasan ni JK na murahin at mag-flash ng middle finger sa isang manonood dahil daw sa pambabastos nito habang nagpe-perform sa entablado ang singer.

Isang manonood ang paulit-ulit na sumigaw ng “I love you, Darren,” habang nasa entablado si JK, para sa Rakrakan Festival 2019 sa isang venue sa Makati City.

Continue reading below ↓

Noong October 2018 ay nakaalitan ni JK ang kapwa singer na si Darren Espanto via social media na nauwi sa demandahan.

Tinawag umanong “gay” ni JK si Darren via Twitter na itinatanggi naman ni JK, at sinabing na-hack ang kanyang account.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
JK Labajo, Darren Espanto
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo posts his complaint versus people who think taunting performers at concerts is cool.
PHOTO/S: @caluyapiolo via Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results