Bianca King posts photo with rumored boyfriend Ralph Wintle on Instagram

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2019
Has Bianca King confirmed her relationship with Ralph Wintle via an Instagram post?
PHOTO/S: Courtesy: @bianca_king on Instagram

Hindi napabalita ang breakup ng aktres na si Bianca King, 34, at ni Julio Villafuerte, 26, nakababatang kapatid ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Taong 2016, naikuwento pa ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkabalikan sila ni Julio, na noo’y dalawang taon na niyang karelasyon.

Umamin noon ang aktres na naghiwalay sila ng ilang linggo dahil sa ilang bagay na hindi nila pinagkakaunawan. Pero nagkabalikan din sila.

Ngunit ngayon, nauugnay na si Bianca kay Ralph Wintle.

Si Ralphy ay nakababatang kapatid ng mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Nito nga lamang nakaraang Sabado, April 27, nag-post si Bianca sa Instagram ng larawan kung saan magkasama sila ni Ralph.

Nakalagay sa kanyang caption: “Fave [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Nagkomento rito ang maraming netizens at kaibigang celebrities nina Bianca at Ralph, tulad nina Iza, Tim Yap, IC Mendoza, Mari Jasmine, at Rovilson Fernandez.

Inihayag nila ang kanilang suporta para sa dalawa.

Continue reading below ↓

Bago ito, noong March, 19, nag-post din si Bianca ng larawan nila ni Ralph na may caption na “Birthday buddy.”

March 18 ang ika-34 kaarawan ng aktres.

Naibalita na rin dito sa PEP.ph ang pagkakamabutihan nina Bianca at Ralph.

Ngunit wala pang nagkukumpirma nito.

Sa isang panayam, ayaw ring sabihin ni Iza ang real score ng bayaw na si Ralph at kaibigang si Bianca. Gusto niyang ang dalawa mismo ang magsalita tungkol dito.

Continue reading below ↓

Pero mukha naman daw masaya ang dalawa.

Ngayong araw, April 29, mukhang ipinag-bake nina Bianca at Iza sina Ben at Ralph.

Mensahe ni Bianca sa kanyang Instagram Stories: “Banana bwead and chocolate zucchini bwead by me and @missizacalzado for the Wintle boys.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Has Bianca King confirmed her relationship with Ralph Wintle via an Instagram post?
PHOTO/S: Courtesy: @bianca_king on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results