Kakai Bautista shrugs off bashers of friendship with Alden Richards

by Rose Garcia
Apr 29, 2019
Kakai Bautista on calling Alden Richards 'Beybi': "Bakit, masama bang tumawag ng Beybi? Ano ‘to?! Hindi ko naman inaangkin, ah?!"
PHOTO/S: Kakai Bautista Instagram

Post kete post si Kakai Bautista ng BTS (behind the scenes) sa shooting nila ni Alden Richards ng Hello, Love, Goodbye, at buong ningning niyang tinatawag na “Beybi” ang Pambansang Bae.

As expected, nag-fiesta ang haters at bashers sa pang-ookray, pang-uurot, at pang-aalipusta sa Dental Diva.

“Yung pamba-bash sa akin, sanay na po ako diyan,” mabining pagngiti ni Kakai nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa blessing ng McDo branch ni Alden noong Abril 24, Miyerkules, sa Biñan Highway, Laguna.

Continue reading below ↓

“Okay lang naman sa akin. Kung saan sila masaya, ibigay na lang natin sa kanila. Baka doon lang sila sumasaya.

“Sanay na akong ma-bash. Ano pa ba ang gusto ninyong sabihin sa akin? Lahat, nasabi na.

“Lahat na ng panlalait, nasasabi na. Okay lang yun.

“Basta ako, masaya ako. So, hayaan na lang po natin sila.”

Nagkasama sila ni Alden sa pelikulang Imagine You and Me (2016). Doon nag-blossom ang beautiful friendship ng KakDen.

“Friends lang kami ni Beybi,” paglilinaw ni Kakai.

“Bakit, masama bang tumawag ng Beybi? Ano ‘to?! Hindi ko naman inaangkin, ah?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, sobrang masaya ako na nagkasama kami ulit. Nakakasama ko na rin siya sa event at saka, from Laguna rin kasi ako kaya kilala ko na siya.”

Continue reading below ↓

SHOOTING IN HONG KONG

Umaliwalas ang mukha ni Kakai nang kumustahin namin ang shooting nila sa Hong Kong.

“Okay po kami at saka napaka-happy po ng set namin.

"Teamwork, ganoon. Kasi mahirap po talagang mag-shoot abroad,” saad ni Kakai.

Lalo pa’t pinagkakaguluhan sila ng fans!

“Hala, grabe! E, kasi naman, kasama ko sila—kasama ko si Alden, kasama ko si Kathryn [Bernardo], kasama ko si Maymay [Entrata], so damay-damay na ‘to!” natawa niyang sabi.

“Pero masaya naman po at nagpapasalamat kami sa lahat ng Filipino sa Hong Kong.

“Kahit na napakahirap po naman talagang mag-shooting, e, sana patuloy silang maging cooperative sa amin.”

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang KathDen?

“Okay naman sila,” sambit ni Kakai.

“Kasi, para kaming mga tropa lang. Tulung-tulungan kami.

"Kapag mahirap ang eksena, bawal ang mag-usap-usap."

Nailang ba sina Kathryn at Alden sa isa’t isa?

“Hindi po... siguro sa simula dahil parehong rival networks.

"Pero kapag trabaho po talaga, trabaho. Napaka-professional po ng dalawa."

May chemistry ba ang dalawa?

“Ay, abangan ninyo!” na-excite niyang sagot.

“At saka, dedicated ‘to sa lahat ng matatapang natin na OFW all over the world.

"It’s a story also of about being a bagong bayani."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista on calling Alden Richards 'Beybi': "Bakit, masama bang tumawag ng Beybi? Ano ‘to?! Hindi ko naman inaangkin, ah?!"
PHOTO/S: Kakai Bautista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results