Kris Aquino claps back at basher comparing her to Korina Sanchez

by Arniel C. Serato
Apr 30, 2019
Kris Aquino to basher comparing her to Korina Sanchez: "If you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang netizen na nambastos sa kanya sa Instagram.

Noong Lunes ng gabi, April 29, nag-post sa Instagram si Kris tungkol sa ginawa nilang FaceTime ng mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap.

Ilang netizens na nagkomento rito ang nagbanggit ng pangalan ni Korina Sanchez at sa pamilya nito.

Patutsada ni @000carl000: “Kris anong feeling na masaya si korina sa kambal nya at asawa? Anong feeling na walang lalaking nag mamahal sayo?”

Pinatulan ito ng web star/endorser.

Buwelta n Kris: “@000carl000 if you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Kris na "4.2 million" ay ang bilang ng kanyang followers sa Instagram.

Ang mister ni Korina na si Mar Roxas ay kumakandidato ngayon bilang senador.

Sina Korina at Mar ay nagkaroon ng anak na kambal, sina Pepe at Pilar, sa pamamagitan ng gestational surrogacy sa Amerika.

Samantala, isa namang netizen ang nagtanggol kay Kris at nagpasaring kay Korina.

Pahayag ni @aquino_amber08: "atleast c @krisaquino galing sa sinapupunan ang mga anak niya eh kay koring hehehe di niya naranasan maglihi, magbuntis na siyam na buwan at higit sa lahat di niya naranasan sa buong buhay niya magluwal ng bata hahaha baka yang pinangbayad sa 'Surrogate Mother' galing sa Yolanda Fund hahaha.”

Dagdag pa ng netizen: “di baleng walang nagmamahal na lalaki kay @krisaquino atleast may mga anak na mapagmahal at di katulad ni koring mo hahaha ni minsan di niya parin naranasan kung paano maglihi.”

Continue reading below ↓

Tugon ni Kris dito: “@aquino_amber08 when they go low- sorry I’m not Michelle- we buy Chanel. (Wag na patulan.)”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may alitan sina Kris at Korina.

Ang alam ng publiko ay nagsimula ito sa pag-feature ni Korina sa kanyang Rated K show sa ABS-CBN, noong April 22, 2018, ng masayang buhay ng ex-husband ni Kris si James Yap, kapiling ang partner nitong si Michela Cazzola at ang anak nilang si Michael James.

Continue reading below ↓

Sa patutsada ni Kris noon, hindi niya binabanggit ang pangalan ni Korina. Sa halip ay tinatawag niya itong “misis ni Mar.”

Hindi pinatulan ni Korina si Kris, ngunit kapansin-pansin na sa bawat post ni Korina sa Instagram hanggang ngayon, naglalagay na ang brodkaster ng hashtag na #MisisNiMar.

Nito lamang April 14, 2019, muling nagpatutsada si Kris laban kay Mar dahil sa pahayag ng spokesperson nitong si Caloocan Rep. Edgar Erice.

Tila sinisisi ni Erice ang pagkatalo ni Mar noong 2016 presidential elections sa asosasyon nito sa kapatid ni Kris na si former President Noynoy Aquino at sa Liberal Party.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino to basher comparing her to Korina Sanchez: "If you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results