John Lloyd Cruz posts rare selfie; is he ready for showbiz comeback?

by Rachelle Siazon
Apr 30, 2019
John Lloyd Cruz takes a selfie amid
PHOTO/S: @dumpsitegallery Instagram

Sa isang pambihirang pagkakataon, nag-post si John Lloyd Cruz ng kanyang selfie sa pamamagitan ng Instagram account niyang @dumpsitegallery.

Ginawa ito ni John Lloyd matapos ang magkakasunod na insidenteng nagpakuha siya ng litrato sa mga taong nakakasalamuha niya sa kanyang paglilibot sa iba't ibang probinsiya kamakailan.

Linggo, April 27, nang una ipinakita ng aktor ang kakaiba niyang wacky picture na kanyang pinutol sa apat na bahagi.

Ang tanging caption ni John Lloyd dito ay "Selfie, 2019."

Continue reading below ↓

Pero pagkalipas lamang ng ilang oras ay inalis din niya ito sa kanyang Instagram feed na nagsisilbing dump site para sa random photos ng aktor.

Sa hiwalay niyang post noong April 29, muling nag-post si John Lloyd ng kanyang selfie sa airport sa Indonesia.

Kalakip ito ng one-word caption na "pauwi" at isang shooting star emoji.

Continue reading below ↓

RECENT SIGHTING

Noong nakaraang linggo ay naiulat na nagbakasyon si John Lloyd at partner niyang si Ellen Adarna sa Bali, Indonesia.

Kasama nila roon ang kanilang 11-month-old son at ilang mga kaibigan at kaanak ni Ellen.

Sa bakasyon nilang iyon unang hayagang nagpakuha ng litrato si Ellen matapos ang ilang buwang pagiging mailap sa publiko.

Proud ding inilantad ni Ellen ang kanyang post-pregnancy body sa Instagram post ng isa sa mga malapit niyang kaibigan.

Continue reading below ↓

BACK TO WORK?

Samantala, lumabas na rin ang ad na lumikha ng espekulasyon hinggil sa posibleng pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd.

Pero sa ngayon, ito pa lang ang proyektong ginawa ni John Lloyd mula nang siya ay mag-indefinite leave sa showbiz noong October 6, 2017.

Liban dito ay wala pang update kung may tinanguan na itong proyekto sa larangan ng pag-arte.

Muli namang nagparamdam si Bea Alonzo, ang perennial leading lady ni John Lloyd, na nami-miss na niyang katrabaho ang aktor.

Base ito sa ni-repost ni Bea sa Instagram na screenshot ng mukha ni John Lloyd mula sa ad nito.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz takes a selfie amid
PHOTO/S: @dumpsitegallery Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results