Watch Now

Jo Berry not in a hurry to have a boyfriend

by Arniel C. Serato
May 1, 2019
Jo Berry talks about discrimination towards little people like her: "Yung typical po na maglalakad ka sa street tapos titingnan ka nila or tatawagin ka nila na ‘Ay, maliit!’, ‘Unano!’ Ginaganun ka nila kahit hindi ka naman nila kilala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi nagmamadaling magka-boyfriend ang Kapuso actress na si Jo Berry, 25, kahit miyembro siya ng NBSB or no boyfriend since birth.

Ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?

Pahayag ng dating Onanay star, “Hindi ko po alam, e, basta siguro mabait.

“Hindi kasi ako naghahanap ngayon, e.

“Kung dadating, thank you. Kung hindi, okay lang din naman ako.

“Kasi masaya ako sa ginagawa ko, so preoccupied pa ako.”

Pagdating naman sa kanyang career, gusto raw subukan ni Jo ang iba’t ibang larangan sa pag-arte.

Sabi niya, “Gusto ko pa po talagang ma-explore yung different sides ng pag-arte, especially drama, kasi naumpisahan ko siya.

“Nagustuhan ko so, sabi ko, gusto ko.

“Kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon ulit, gusto ko siyang i-explore, ibang characters sa susunod kung mabibigyan pa po ako, gusto ko sila i-explore.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jo sa set visit ng pelikulang Kiko en Lala noong April 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya sa cast sina Super Tekla, Kiray Celis, Derrick Monasterio, Divine Tetay, at Kim Domingo.

Ipalalabas ito sa mga sinehan sa May 22.

LITTLE PEOPLE

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw inaasahan ni Jo na magiging inspirasyon siya ng mga taong kagaya niya, na kung tawagin ay “little people.”

Aniya, “Nung una, hindi ko po ini-expect yung magiging epekto.

“Ang goal ko lang is to try showbiz, and nandun din siyempre yung gusto ko maka-inspire ng tao.

“Hindi ko po alam na ganun kalawak yung scope.

“So, noong nangyari nga yun and nung may mga nagmi-message na sa akin na little people and people with disabilities, masaya po ako.

"Sobrang saya ko kasi na-inspire sila sa ginagawa ko.”

Ano ba yung pinakamasakit na diskriminasyong naranasan niya noon?

Tugon ni Jo, “Yung typical po na maglalakad ka sa street 'tapos titingnan ka nila or tatawagin ka nila na ‘Ay, maliit!’, ‘Unano!’, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ginaganun ka nila kahit hindi ka naman nila kilala.

“Hindi naman nila alam pangalan mo, pero ganun na sila.

“Siyempre, yung tipikal nga po na nangyayari pag iba yung tao, hindi siya ordinary, iba rin yung tingin ng mga ordinaryong tao sa kanya.

“Hindi lang po sa little people 'yan, pati sa mga taong may disabilities, so ganun po.

“Tinatawag ako ng kung anu-anong pangalan, yung kakayahan mo, kasi ganun lang hitsura mo.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jo Berry talks about discrimination towards little people like her: "Yung typical po na maglalakad ka sa street tapos titingnan ka nila or tatawagin ka nila na ‘Ay, maliit!’, ‘Unano!’ Ginaganun ka nila kahit hindi ka naman nila kilala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results