Coco Martin posts new cryptic message about his haters

by Rachelle Siazon
May 2, 2019
Coco Martin: "I'm too old to worry about who likes me and who dislikes me."
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Tila muling nagpahiwatig si Coco Martin na hindi siya magpapatinag sa anumang batikos na ibato sa kanya sa social media.

Kaugnay ito ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila nina Julia Montes at Yassi Pressman.

Sa kanyang Instagram post noong April 29, nagbahagi si Coco ng quote na nagsasabing hindi titigil ang kanyang mundo nang dahil lang sa bashers.

Sabi rito: "I'm too old to worry about who likes me and who dislikes me.

"I have more important things to do. If you love me, I love you.

"If you support me, I support you. If you hate me, I don't care.

"Life goes on with or without you."

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Coco ng isa pang quote na dasal lang ang katapat ng anumang suliranin.

"When life is rough, pray. When life is great, pray."

https://www.instagram.com/p/Bw0N2lMhX60/

STILL MUM ABOUT ISSUE INVOLVING JULIA

April 1 nang umugong ang blind item mula sa showbiz insiders tungkol sa isang aktres na sinasabing nasa ibang bansa pero lumalabas na nanganak sa isang ospital sa San Juan.

Nasundan ito ng ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, kunsaan nakasaad na ilang industry insiders ang nagsabing nanganak na si Julia at si Coco ang ama.

Nadawit si Yassi Pressman, leading lady ni Coco sa FPJ's Ang Probinsyano, dahil sinasabing ito ang bagong napupusuan ng sikat na Kapamilya actor.

Noong April 25, lumabas din ang item tungkol sa panganganak ni Julia sa Facebook post ng comedian/talent manager/radio host na si Ogie Diaz.

Pero nananatiling tikom ang bibig nina Coco at Julia sa isyu.

Continue reading below ↓

Ang tanging pagkakataong nagsalita si Coco ay nang maglabas siya ng hinaing sa mga taong panay ang batikos sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts, noong April 21 at 22.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin: "I'm too old to worry about who likes me and who dislikes me."
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results