Julia Barretto aware love team with Joshua Garcia is not forever

by Bernie V. Franco
May 3, 2019
Julia Barretto on possible breakup of love team with Joshua Garcia: "If it's the only way to grow, then we should support it."
PHOTO/S: Noel Orsal / @garciajoshuae on Instagram

Handa sina Julia Barretto, 22, at Joshua Garcia, 21, sakaling buwagin ang love team nila para sa ikabubuti ng kanilang kani-kanilang career.

Ito ang inihayag ni Julia nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa media conference ng pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Between Maybes, nitong May 2, Huwebes.

Ayon pa sa Kapamilya actress, malaki ang pasasalamat niya sa tambalan nila ni Joshua—kilala sa tawag na JoshLia—pero alam daw nilang hindi panghabambuhay ang love team kung gusto nilang umangat sa industriya.

“It could really do a lot of things for you—it can really take you to so many places na maggu-grow ka talaga.

“Marami kang matututunan and you’ll be forever thankful for that experience.

“But, alam namin ni Josh sa isa’t isa, sooner or later, sa journey naming dalawa, darating talaga yung time na magkakaroon kami ng kanya-kanya naming projects.

Continue reading below ↓

“And we respected that kasi pareho naming mahal ang ginagawa namin, and nirerespeto namin.

“We respected the fact na it’s what’s best for us, yung growth namin, and if it's the only way to grow, then we should support it,” saad ni Julia.

Ngunit wala namang dapat ipag-alala ang JoshLia fans dahil tila matagal pang magsasama sina Julia at Joshua.

Sa katunayan, pagkatapos ng Between Maybes ay mapapanood muli sina Julia at Joshua sa pelikulang Block Z, na nakatakdang ipalabas ngayon ding taon.

JULIA'S NEW LEADING MAN

Inusisa rin si Julia kung paano niya sinabi kay Joshua na si Gerald Anderson ang kanyang magiging leading man sa Between Maybes.

Sagot ng dalaga, “To be very honest, it took me some time to tell him kung sino gagawa, because I wanted to make sure na, once I tell Josh, dapat sure na yung actor na yun ang gagawa talaga.

Continue reading below ↓

“So I waited for Kriz [Gazmen, Black Sheep head] to tell me kung sino yung actor na napili nila.

“And then, once I found out, I told him.

“And to be very honest, natuwa siya na si Gerald.

“Natuwa siya na it was with somebody na a couple years older than me, rather na kasing age ko.

“Mas natuwa siya sa fact na yun.”

Tinanong din si Julia kung kinakailangan ba niyang magpaalam kay Joshua kung nire-require siyang gumawa ng love scenes sa kanyang mga proyekto.

Sagot ng anak ni Marjorie Barretto, “Siguro isa yun sa mga bagay na natuwa ako na natutunan ko sa nanay ko is that, habang kontrolado mo pa yung sarili mong buhay, yung mga decisions mo sa life—sa career man ‘yan, sa love life, sa mga kaibiganyou don’t ask anybody for permission.

Continue reading below ↓

“If you feel, like, kung 'yan ang ikakabuti ng kung anumang bagay, dapat you go with your gut, you go with your instinct.

“Hindi paalam, nagsabi as respect lang siguro.”

Ang Between Maybes ay ipalalabas sa mga sinehan simula sa May 15.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on possible breakup of love team with Joshua Garcia: "If it's the only way to grow, then we should support it."
PHOTO/S: Noel Orsal / @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results