Jodi Sta. Maria hints at Bela Padilla past feelings for Zanjoe Marudo

by Rachelle Siazon
May 5, 2019
"Muntik nang minahal?" Bela Padilla reacts to Jodi Sta. Maria's description of Zanjoe Marudo.
PHOTO/S: @rbchanco / @bela / @onlyzanjoemarudo Instagram

Natatawang umiwas si Bela Padilla nang ihayag ni Jodi. Sta. Maria na si Zanjoe Marudo ang leading man na "muntik nang minahal" ng nakababatang aktres.

Sina Bela at Jodi ay co-stars sa Sino Ang Maysala?, ang bagong prime-time series ng Kapamilya network.

Humarap ang dalawang aktres sa panayam ng TV host na si Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, noong May 2.

Naglaro sila ng isang picture-guessing game kung saan pahuhulaan nila ang hawak na litrato ng isa't isa.

Pinakahuli ang litrato ni Zanjoe, na hawak ni Bela, ang pinahulaan sa pamamagitan ng pagbigay ng description ni Jodi.

Singit ni Tito Boy sa pinahuhulaang litrato, "Naging sila ba ni Bela?"

Wala pa mang nababanggit na pangalan ay nilinaw na ni Bela na, "Wala pa akong naging leading man na naging kami."

Bahagyang napabungisngis si Jodi at saka sinabi ang clue tungkol sa litratong hawak ni Bela.

Bulalas ni Jodi, "Muntik nang minahal... OMG!"

Continue reading below ↓

Tila defensive na sagot ni Bela, "Ay, wow! Ay, di ko sasabihin. Wohoo!"

Sinadya ni Bela na hindi banggitin ang pangalan ni Zanjoe hangga't hindi nagbibigay ng iba pang clue si Jodi.

Kaya ang sumunod na clue na sinabi ni Jodi, "Co-star sa My Dear Heart."

Sa puntong ito lang sumagot si Bela ng "Zanjoe Marudo."

BELA-ZANJOE ALMOST ROMANCE?

Minsang nagkaroon ng espekulasyon sa ugnayan nina Zanjoe at Bela nang magkatrabaho sila sa 2017 prime-time series na My Dear Heart.

Panay pa ang tuksuhan ng dalawa noon tungkol sa kanilang "taguan ng feelings."

Pati si Vice Ganda ay pilit na pinaaamin si Bela na "sila na" ni Zanjoe, sa episode ng Gandang Gabi Vice noong July 2017.

Pero matapos ang ilang buwang espekulasyon hinggil sa tunay na ugnayan ng dalawa, bandang November 2017 nang linawin ni Zanjoe na "magkaibigan lang" sila ni Bela.

Base ito sa panayam sa aktor sa Magandang Buhay, kung saan sinabi rin niya na nais muna niyang manatiling single dahil hindi pa siya handa sa commitment.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Muntik nang minahal?" Bela Padilla reacts to Jodi Sta. Maria's description of Zanjoe Marudo.
PHOTO/S: @rbchanco / @bela / @onlyzanjoemarudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results