Nadine Lustre says James Reid always reminds her to "never be insecure"

by Rachelle Siazon
May 6, 2019
Nadine Lustre on boyfriend James Reid: “Para ko siyang konsensiya. Siya po yung laging bumubulong sa akin na, ‘Whatever it is, it's OK. Or just love yourself. Don’t be ashamed of anything.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Masuwerte raw si Nadine Lustre sa boyfriend niyang si James Reid dahil hindi raw ito ang tipo ng pagbabawalan siyang magsuot ng bikini o magbibigay ng anumang limitasyon sa mga bagay na gusto niyang gawin.

Si James pa nga raw ang number one supporter niya nang ilunsad si Nadine bilang endorser ng isang bikini line kamakailan.

“Sobrang happy po siya, actually. Alam naman niya po na I’m very open to a lot of things.

"And kung ano naman po, kung kaya ko gawin, gagawin ko," bungad ni Nadine.

Mas nagiging confident pa nga raw si Nadine dahil sa pagmamahal at suporta ni James sa kanya.

“Siya po yung nagre-remind sa akin na, ‘Never be insecure. Always love yourself.’

“Para ko siyang konsensiya.

"Siya po yung laging bumubulong sa akin na, ‘Whatever it is, it's OK.'

"Or, 'Just love yourself. Don’t be ashamed of anything.'"

Continue reading below ↓

May insecurity pa ba si Nadine?

Sagot ng aktres, “I guess, hindi naman po insecurity.

“More on parang wish, something I can improve on naman po, like, say, songwriting or singing. I wanna do singing lessons.

“The insecurity kasi po, all you have to is love yourself. So, yun po.”

Masigla si Nadine nang nakapanayam ng entertainment press sa Viva Entertainment office noong Biyernes, May 3.

ON JADINE FANS

Kuwento pa ni Nadine, masaya siyang nabibigyang-inspirasyon niya ang kanyang supporters pagdating sa pagmamahal sa sarili at sa lakas ng loob na abutin ang kanyang mga pangarap.

“Like me before, yung pinagdaanan ko before, I was very insecure when I was younger.

“I was looking for someone, like, a role model to look up to, to show me na, ‘It’s gonna be a good day. You’re gonna have better days. It’s OK that you have this now, you’re gonna get over it.’

Continue reading below ↓

“Wala po kasi akong naging role model when I was younger. Yun po ang wish ko—magkaroon.”

Una nang naiulat ang kuwento ni Nadine na dumaranas siya ng “social anxieties” at “panic attacks” mula pagkabata.

Pero natutunan daw niyang lampasan iyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong "support system."

"REACH FOR YOUR DREAMS"

Mas nangingibabaw rin daw kay Nadine ang appreciation sa prosesong pinagdaanan bago nakamit ang minimithi niyang break sa showbiz, noong pre-JaDine days.

Sa ngayon ay may sari-sariling proyekto sina James at Nadine.

Sabi pa ni Nadine tungkol sa fans na itinuturing siyang role model:

“Honestly po, it’s really nice to be someone people look up to. Na ako yung parang inspiration nila.

"Parang they look at me as someone's who's always strong, someone very empowered, someone who's inspiring also.

“Kasi, since the beginning naman po, nung pumasok ako sa showbiz, yun naman po ang gusto kong gawin.

Continue reading below ↓

“I want everyone to realize to just strive and reach for your dreams and all that.”

Ang tambalang JaDine ay unang nabuo sa pelikula nilang Diary Ng Panget noong 2014.

Naging magkarelasyon sila mula noong February 11, 2016.

Watch: Nadine Lustre, ikinuwento kung paano siya tinuruan ni James Reid na mag-open up

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on boyfriend James Reid: “Para ko siyang konsensiya. Siya po yung laging bumubulong sa akin na, ‘Whatever it is, it's OK. Or just love yourself. Don’t be ashamed of anything.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results