Comelec cancels congressional bid of Edu Manzano

by Arniel C. Serato
May 6, 2019
Comelec says Edu Manzano gave "false material representation on his citizenship."
PHOTO/S: Kurt Alvarez

Pinawalang bisa ng Comission on Elections (Comelec) Second Division ang Certificate of Candidacy ng aktor na si Edu Manzano bilang kongresista sa lungsod ng San Juan.

Ayon sa inilabas na resolution ng Comelec ngayong gabi, May 6, hindi napatunayan ni Edu ang kanyang citizenship, na isang mahalagang katibayan para sa mga tumatakbo sa anumang posisyon sa bansa.

"Without direct proof of his oath of allegiance being registered in the local civil registry in the place where he resides, respondent cannot be considered to have reacquired his Philippine citizenship under our laws," bahagi ng resolusyon.

Ayon sa ulat ng philstar.com, nagkasala raw si Edu dahil sa "false material representation on his citizenship."

Hindi raw nakapagbigay ang aktor ng konkretong katibayan ng kanyang "oath of allegiance to the Philippines."

Si Edu ay ipinanganak daw ng kanyang Filipino parents sa California, USA, noong September 1955 kaya siya ay parehong citizen ng Amerika at Pilipinas.

Continue reading below ↓

Nakasaad pa sa desisyon na nagsilbi rin si Edu sa US military bago ito bumalik ng Pilipinas noong 1990.

Kahit daw naging kandidato si Edu sa pagka-vice mayor sa Makati noong 1998, pagka-mayor sa Makati rin noong 2001, pagka-vice president noong 2010, at pagka-senador noong 2013, hindi pa rin daw maituturing na Filipino citizen ang aktor nang nag-file siya ng COC sa pagka-congressman ng San Juan.

Ang katunggali ni Edu sa San Juan ay ang kasalukuyang congressman na si Ronaldo Zamora.

Maaari pa naman daw iapela ang desisyon ng Second Division sa Comelec en banc at kalaunan ay sa Supreme Court.

Wala pang reaksiyon ang actor-TV host tungkol dito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comelec says Edu Manzano gave "false material representation on his citizenship."
PHOTO/S: Kurt Alvarez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results