John Lloyd, Robin, Richard, Ai-Ai, other pro-Duterte celebs attend private dinner at Malacanang

by Arniel C. Serato
May 8, 2019
(L-R) Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Paul Soriano, Richard Gomez, and Robin Padilla are some of the celebrities who attended the private dinner hosted by Honeylet Avancena, partner of President Rodrigo Duterte (center), at Malacanang Palace last night, May 7.
PHOTO/S: Presidential Photos

Literal na bumaha ng artista sa Malacañang Palace kagabi, May 7, para sa private dinner na inorganisa ng common-law wife ni President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ito ay para sa celebrities na sumusuporta kay President Duterte, mula noong 2016 elections at hanggang sa kanyang administrasyon ngayon.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga artistang dumalo sa pagtitipon kagabi ay sina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Robin Padilla, Ai-Ai delas Alas, Cesar Montano, Phillip Salvador, Aiko Melendez, Vhong Navarro, Ruffa Gutierrez, Toni Gonzaga, Paul Soriano, Mariel Padilla, Alex Gonzaga, at sina Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño at dating National Youth Commission Chairman Ice Seguerra.

Naroon din sina Bayani Agbayani, Arnell Ignacio, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Niño Muhlach, Gladys Guevarra, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Ynez Veneracion, Ryan Bang, Vivian Velez, Joseph Marco, Meg Imperial, Jojo Alejar, Beverly Salviejo, Jan Marini, Gerard Pizzaras, at Wil Devaughn.

Nakasama rin ang singers na sina Freddie Aguilar, Dulce, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Chad Borja, Wency Cornejo, at Paolo Santos; at ang sports personalities na sina Gretchen Ho, Vince Hizon, Kenneth Duremdes, Bonel Balingit, at Onyok Velasco

JOHN LLOYD CRUZ

Isa sa namataan sa Palasyo ay ang on-leave actor na si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Nag-post sa Facebook si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ng larawan nila ng aktor.

Caption ni Andanar dito: “Ang muling pagtatagpo namin ni JL kagabi.#mediaman.”

Unshaven at long hair pa rin si John Lloyd.

ROBIN PADILLA

Sa post naman ni Robin Padilla sa Instagram, pinuri niya si Honeylet na hindi raw nagbabago hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

Buong mensahe ng aktor sa kanyang Instagram post: “Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin!

"Isang napakalaking kaligayahan ng industriya ng Pelikulang Pilipino ang gabing ito.

"Mabuhay po kayo Mayor PRRD at mam HONEYLET isang malalim na pasasalamat sa inyo dahil nagkaron ng ganitong pagtitipon ng pasasalamat at pag alay ng kamay ng pakikiisa para sa mga celebrity maging sa showbiz man o sports lalo sa mga tumulong kay mayor nong 2016.

"Walang pinagbago sa ugali si mam honeylet siya pa rin ang tunay na tao na nakilala ko noong 2015 wala siyang kahit maliit na bahid ng pulitika o pagkashowbiz.

"Napaluha ako sa napakaganda niyang talumpati para ipakilala si mayor PRRD sa lahat ng mga bisita bago man o kaibigan na.

“Tumagos sa puso ang bawat salitang binitiwan ni mam honeylet para kay mayor PRRD Isang malaking karangalan para sa mga showbiz at sports celebrity ang marinig ang first lady sa ganitong ka personal at pribadong ganap.

Continue reading below ↓

"Punong puno ng pag ibig at pagmamahal si mayor at si mam honeylet kayat naging lalong napakasaya ng gabi para sa lahat ng bisita katunayan napakasarap ng pagkain kahit ang buong Malacañang sa panahon ni mayor PRRD ay hindi sanay sa party tunay na pinaghandaan ng first couple, presidential management staff pati ng protocol sa palasyo ang pasasalamat at pakikiisa na ito.

"Maraming maraming salamat aking kaibigan at pinakaHeneral BONG GO sa palagiang pagiging tulay ng taongbayan patungo kay mayor prrd.

"Ang industriya ng Pelikulang Pilipino ay hindi makakalimot sa kahalagahan na inyong inalay. Mabuhay ang rebolosyon ng pagbabago!

"Mabuhay ang adhikaing para sa Dios! Inangbayan at kapwa tao! @elgab18"

Continue reading below ↓

Kasama ni Robin sa kanilang table ang asawang si Mariel Padilla, Ormoc City Mayor Richard Gomez, at President Duterte.

DIANNE MEDINA

Bagamat bawal magdala ng cell phone sa loob ng Rizal Hall ng Malacañang, nagawa pa rin ni Dianne Medina na makapagpakuha ng litrato ng event kasama ng ilang celebrities.

Sabi ni Dianne sa kanyang Facebook post: “Last night during the Private Dinner with President Rodrigo Duterte and Madame Honeylet Avanceña at Malacañang Palace.

"Such an honor to be part of this event! Thank you President Duterte and Madame Honeylet for inviting us!

"Thank you Lord for this wonderful experience!”

Continue reading below ↓

KAT DE CASTRO

Labis-labis din ang pasasalamat ni IBC 13 President at CEO Kat de Castro na muli siyang naimbitahan sa pagtitipon sa Malacañang.

Saad niya sa kanyang Facebook post: “The President and Madam Honeylet met with some of his supporters last night.

"I have not seen President Duterte for quite some time. Maybe 4 months. I was wearing make up and had my hair curled up so I initially thought hindi niya ako mamumukhaan.

"I was about to say, “Mayor President, Kat De Castro po...”

"When he immediately said, “KATKAT!!!” Then he pulled me away from the PSG who were barricading him and gave me beso-beso.

"He told Madam Honeylet, “Si Katkat naghost ng campaigns ko. Supporter ko yan.”

"To which Madam Honeylet replied, “Oo naman. Nag After Dark pa nga tayo.” Then we had a short chat after.

"I WAS SPEECHLESS. The last thing I told PRRD and Madam Honeylet was “Miss na miss ko na kayo.” Sabay yakap.

Continue reading below ↓

"This is what I love most about the President. He has this way of making you feel good about yourself. And I am thankful for everything Tay Digong has done."

RUFFA GUTIERREZ

May maiksi ring post si Ruffa Gutierrez sa Instagram tungkol sa pagtitipon.

Aniya, "Pre-dinner chika with the beautiful @marieltpadilla & the Boss Doñya @annabelleramaig ?????? #RuffasWorld"

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Paul Soriano, Richard Gomez, and Robin Padilla are some of the celebrities who attended the private dinner hosted by Honeylet Avancena, partner of President Rodrigo Duterte (center), at Malacanang Palace last night, May 7.
PHOTO/S: Presidential Photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results