Gretchen Ho, Hidilyn Diaz laugh off alleged involvement in destabilization plot against President Duterte

by Arniel C. Serato
May 8, 2019
Gretchen Ho (left) and Hidilyn Diaz clueless why their namesare included in destabilization matrix of Malacanang Palace.
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenho / @hidilyndiaz on Instagram

Malaking palaisipan para sa ABS-CBN sports reporter na si Gretchen Ho kung bakit nadawit ang pangalan niya sa media personalities na diumano’y nagpaplanong pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantalang kabilang pa si Gretchen sa maraming celebrities at personalities na inimbitahan sa private dinner sa Malacañang Palace, kagabi, May 7.

Ilan pa sa mga artistang dumalo sa appreciation dinner ay sina Richard Gomez, Robin Padilla, Ai-Ai delas Alas, Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Joseph Marco, at John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Ngunit, sa press briefing ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaninang umaga, May 8, habang ipinapaliwanag nito ang destabilization matrix, makikita ang pangalan ni Gretchen Ho.

May isang netizen ang nakapansin dito at nag-post sa Twitter.

Sabi ng netizen, “Last night, Gretchen Ho attended a dinner in the presidential palace. Today, she got tagged in that ugly matrix. Haha.”

Continue reading below ↓

Sumagot dito si Gretchen: “I’m confused too.”

Sabi naman ng isa pang netizen: “nasa matrix ng ouster plan si gretchen ho pero nakasama ni duterte magdinner kagabi lmaoooo anuna.”

Continue reading below ↓

Biro naman ni Gretchen: “So ano ba talaga? Am I trying to OUST or SUPPORT the government?”

WHY IS GRETCHEN HO INVITED TO THE PRIVATE DINNER?

May nagtanong din kay Gretchen kung bakit nasa private dinner siya sa Malacañang, gayong ang mga imbitado rito ay "celebrity supporters of the President."

Continue reading below ↓

Hindi naman itinatago ni Gretchen ang kanyang opinyon tungkol sa kasalukuyang administrasyon.

Paglilinaw naman ni Gretchen: “We were invited to a 'private dinner' in Malacañang. Hindi po sinabi na for 'supporters' of the President.

"I was there to have conversation & decided it would help to know the other side of things."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Gretchen, hindi niya kilala si "Bikoy"at si Rodel Jayme.

Si "Bikoy" ang diumano'y may alam sa drug cartel ng First Family.

Si Rodel Jayme naman ay Liberal Party supporter na isa raw sa mga nag-upload ng Bikoy videos.

Sabi ng sportscaster, "Regarding being included in the'“matrix', I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is.

Continue reading below ↓

"You can check all of my social media pages. Thanks."

HIDILYN DIAZ REACTS

Idinaan na lang din sa biro ni 2018 Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang pagkakasama rin daw niya sa matrix.

Sabi ng isang Twitter user, “Jusko pati si @diaz_hidilyn? NASAN NA MGA BRAIN CELLS NYO? SHE’S BUSY PREPARING FOR SEAGAMES 2019 AND TOKYO 2020!!!”

Continue reading below ↓

Reaksiyon dito ng weightlifter: “kaya nga! Dami ko pang goals sa life and Pinas para sumali sa ganyan bagay. Nashock lang ako nalink ako sa ganyan."

Continue reading below ↓

Nagpaabot din ng mensahe si Hidilyn kay Gretchen: “Kausapin na kita since magkasama tayo.”

Sagot ni Gretchen: “Kapit-bisig, besh.”

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ang gumawa ba ng imbitasyon sa dinner sa Malacañang ang siya ring gumawa ng destabilization matrix kaya nagkahalu-halo ang mga pangalan nila.

Wala pang reaksiyon si Panelo tungkol dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Ho (left) and Hidilyn Diaz clueless why their namesare included in destabilization matrix of Malacanang Palace.
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenho / @hidilyndiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results