Arjo Atayde caught on video being affectionate with Maine Mendoza

by Rachelle Siazon
May 9, 2019
Sweetness overload! Looks like Arjo Atayde can't keep his hands off his ladylove Maine Mendoza during her belated birthday bash with fans last Saturday, May 4.
PHOTO/S: @theoscarbrad / eemmaunahan via @everythingarmaine Instagram

Halatang hindi maitago ni Arjo Atayde ang pagmamahal para kay Maine Mendoza base sa kilos ng Kapamilya actor kapag magkasama sila ng Kapuso TV host-actress.

Ito ay dahil nakunan ng fans si Arjo na pasimpleng ginawaran ng halik sa balikat si Maine habang magkatabi silang nakaupo sa isang round table.

Continue reading below ↓

May isa pang bersiyon ng video kung saan masiglang nagkukuwentuhan ang dalawa at pagkatapos ay dalawang beses humalik si Arjo sa balikat ni Maine.

Nangyari ito sa belated birthday bash na inorganisa ng fans para kay Maine noong Sabado, May 4.

Dito rin nasaksihan ang pagiging masuyo ni Arjo kay Maine sa kung paano nito alalayan ang dalaga habang sila ay nakikisalamuha sa fans.

Continue reading below ↓

May isang punto kung saan habang may kausap si Maine, namataan si Arjo na humawak sa balikat ng Eat Bulaga! host sabay humalik sa buhok nito.

Bagamat wala pang direktang pag-amin sina Maine at Arjo kung opisyal na ba silang magkarelasyon, lumalabas na next level na ang sweetness nila.

Continue reading below ↓

Noong January 22, 2019 unang inamin ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine.

Kinumpirma ito ni Maine noong March 2, bisperas ng kanyang 24th birthday.

Mula noon ay mas naging bukas sina Maine at Arjo tungkol sa kanilang espesyal na pagtitinginan, kaya may mga nagsasabing hindi na lang sila basta exclusively dating kundi magkarelasyon nang talaga.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
maine mendoza, Arjo Atayde
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sweetness overload! Looks like Arjo Atayde can't keep his hands off his ladylove Maine Mendoza during her belated birthday bash with fans last Saturday, May 4.
PHOTO/S: @theoscarbrad / eemmaunahan via @everythingarmaine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results