Kit Thompson quashes rumored past romance with Pia Wurtzbach

by Rachelle Siazon
May 10, 2019
Kit Thompson on spending time with Pia Wurtzbach in New York back in 2016: "One day, we were all in New York. We were like, 'Wow, we're lucky!' That's why we came up with the 'lucky ones.'"
PHOTO/S: Visions and Expressions, Inc. / @kitthompson Instagram

Nilinaw ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Kit Thompson na hindi kailanman sila naging magkarelasyon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nagkataon lang daw na naging malapit na magkaibigan sila noong panahong kakapanalo lang ni Pia bilang Miss Universe Philippines noong March 2015.

Naungkat ang tungkol sa isyu nang makapanayam si Kit sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, noong May 8.

"Nagka-hang out lang kami one time. Suddenly we got hanging out even more," saad ni Kit.

Sabay raw silang nangarap makarating sa New York.

"Kasi dati wala pa kami sa New York, si Pia nagre-ready pa lang lumaban for Miss Universe Philippines.

"Kasi kung manalo siya, pupunta na siya sa New York. Ako rin, gusto kong mag-aral sa New York," balik-tanaw ni Kit.

Dagdag niya, "One day, we were all in New York. We were, like, 'Wow, we're lucky!' That's why we came up with the 'lucky ones.'"

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Kit ay ang tawagan nila ni Pia na "the lucky ones" nang pareho nilang natupad ang kanilang minimithi na manirahan sa New York.

December 2015 nang koronahan si Pia bilang Miss Universe.

Isang taon siyang nakabase sa New York dahil doon ang headquarters ng Miss Universe organization.

Ito raw ang dahilan kung bakit may mga pagkakataong namataan silang magkasama ni Pia noon sa New York.

Noong February 2016, kinunan pa ni Pia ng video ang pagbisita niya sa New York Film Academy kung saan nag-aral noon si Kit.

Sabi ni Pia sa kanilang selfie video ng binata: "Hi guys, I'm incognito touring New York Film Academy with my good friend from the Philippines Kit Thompson.

"Gwapo ni Kit, o! Mamansin ka naman."

Continue reading below ↓

Sa ngayon, si Kit ay nagbabalik-showbiz at bahagi ng ABS-CBN prime-time teleserye na Sino Ang May Sala? na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla.

Si Pia naman ay naghahanda para sa upcoming movie na pagbibidahan nila ni Vhong Navarro.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson on spending time with Pia Wurtzbach in New York back in 2016: "One day, we were all in New York. We were like, 'Wow, we're lucky!' That's why we came up with the 'lucky ones.'"
PHOTO/S: Visions and Expressions, Inc. / @kitthompson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results