Coco Martin attends miting de avance of Edu Manzano in San Juan

by Jojo Gabinete
May 11, 2019
Coco Martin on Edu Manzano: "Sa totoong buhay, sobrang mahal ko ang taong ito kasi po, sa aming industriya, nirerespeto at minamahal po si Edu Manzano..."
PHOTO/S: Biboy Arboleda Twitter

Dinumog ng mga residente ng San Juan City ang miting de advance ng political party ni Edu Manzano at ng mayoral bet na si Janella Estrada, ang Team One San Juan, ngayong Sabado ng gabi, Mayo 11.

Ang pagdating at pag-akyat ni Coco Martin sa entablado para iendorso ang congressional bid ni Edu ang dahilan para magkagulo ang mga tao nang makita nila nang personal ang lead actor ng Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Tatlong kanta ang inawit ni Coco na halos hindi na marinig dahil sa malakas na hiyawan at palakpakan ng manonood.

Si Edu ang gumanap na President Lucas Cabrera sa Ang Probinsyano at kontrabida sa Cardo character ni Coco.

Pero sa tunay na buhay, magkaibigan ang dalawa.

"Sa totoong buhay, sobrang mahal ko ang taong ito kasi po, sa aming industriya, nirerespeto at minamahal po si Edu Manzano kaya nandito po ako para sumuporta sa kanya," sabi ni Coco.

Continue reading below ↓

FAKE NEWS

Hanggang sa huling dalawang araw ng kampanya, biktima ng fake news si Edu dahil sa claim ng kanyang political opponent na ito at hindi ang kandidatura ng aktor bilang representative ng lone district ng San Juan City ang sinusuportahan ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai.

Nagdulot ng kalituhan ang balitang ikinalat ng mga kalaban ni Edu dahil ito ang tunay na congressional bet ng founder ng Philippine-based Catholic charismatic movement.

Continue reading below ↓

Edu with Bro. Mike Velarde and children Sherry and Congressman Rene Velarde

Nakausap ng Cabinet Files si Edu, ilang oras bago naganap ngayong gabi ang miting de advance ng Team One San Juan.

Alam daw niya ang lahat ng mga paninirang ginagawa laban sa kanya.

Sinabi ni Edu na kung anuman ang maging resulta ng kandidatura nito sa halalan sa Lunes, May 13, hindi ito magiging kabawasan sa kanyang pagkatao.

Bukal daw sa puso niya ang hangarin na makatulong sa mga kababayan niya sa San Juan City.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on Edu Manzano: "Sa totoong buhay, sobrang mahal ko ang taong ito kasi po, sa aming industriya, nirerespeto at minamahal po si Edu Manzano..."
PHOTO/S: Biboy Arboleda Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results