ER Ejercito, Gary Estrada, Roderick Paulate fail election bid

by Jojo Gabinete
May 14, 2019
(L-R) ER Ejercito, Gary Estrada, and Roderick Paulate are some of the celebrities who lost in this 2019 elections.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Hindi nangyari ang pangarap ni ER Ejercito na muling mahalal na gobernador ng Laguna dahil tinalo pa rin siya ng incumbent governor na si Ramil Hernandez.

Hindi rin pinalad manalo bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna ang anak ni ER na si Jet, pero nagwaging bise-alkalde ang kanyang misis na si Maita Ejercito na outgoing mayor ng naturang bayan.

Nabigo ang pangarap ni Gary Estrada na maging bise alkalde ng Cainta, Rizal.

Ganito rin ang kapalaran ni Janella Estrada, na tinalo ni Francis Zamora sa mayoral race sa San Juan City.

Parehong natalo si Janella at ang kanyang lolo na si Joseph Estrada, dahil ang kalaban ng dating Pangulo na si Isko Moreno ang ibinoto ng mga Manileño.

Nagpasalamat naman si Roderick Paulate sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura niya bilang bise alkalde ng Quezon City.

Tanggap ni Roderick ang pagkatalo kay Gian Sotto, pero sa kanyang sariling salita, hindi siya kumbinsido sa bilang ng mga botong natanggap niya.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Sa lahat ng sumuporta at nagmahal. Taos puso akong nagpapasalamat. Hindi man tayo nanalo marahil may plano ang Dios.

"Hindi man ako ganun kakumbinsido sa botong nakuha ko (108,000+) dahil ito rin halos ang nakuha kong boto noong 2016 sa aming distrito 2 lang sa aking pagiging konsehal...ganun po talaga ang politika.

"Sa mga nagtiwala at sumuporta, lalo na sa mga mahal kong kaibigan...maraming salamat po! Sa RP team ko salamat sa pagmamahal. Mabuhay kayong lahat!! God bless us all,” ang mensahe ng pasasalamat ni Roderick.

Gaya ni Roderick, hindi nagtagumpay si Maricel Morales na manalo bilang bise alkalde ng Angeles City, Pampanga.

CELEBRITY WINNERS

Bago pa naganap ang May 13 mid-term polls, sure winners na sina Dan Fernandez at Jolo Revilla dahil wala silang mga kalaban.

Magpapatuloy si Jolo sa paglilingkod bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite, samantalang babalik si Dan sa Congress bilang house representative ng unang distrito ng Laguna matapos manungkulan na alkalde ng Sta. Rosa City, Laguna.

Continue reading below ↓

Proklamado na ng COMELEC ang former actress na si Precious Hipolito, ang bagong house representative ng 2nd District ng Quezon City.

Panalo pa ring house representative ng 5th District ng Quezon City si Alfred Vargas, at nagwaging konsehal ng 5th District ang kanyang kapatid na si PM Vargas.

Ang former child actress na si Andrea "Andeng" Bautista-Ynares ang bagong mayor ng Antipolo City.

Nakababatang kapatid ni former Senator Bong Revilla Jr. si Andeng, na walang kalaban para sa nabanggit na posisyon.

Magpapatuloy naman si Jestoni Alarcon sa mga responsibilidad nito bilang board member ng unang distrito ng Rizal province.

Mananatili si Yul Servo na house representative ng 3rd district ng Maynila.

Ganun din ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang house representative ng lone district ng Lipa City.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
(L-R) ER Ejercito, Gary Estrada, and Roderick Paulate are some of the celebrities who lost in this 2019 elections.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results