Vico Sotto grateful for Pasiguenos who helped him win mayoral race

by Rachelle Siazon
May 14, 2019
Vico Sotto on toppling reelectionist Bobby Eusebio in the mayoral race this 2019 elections: "Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!"
PHOTO/S: Instagram

"Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!"

Ito ang bahagi ng pahayag ni Vico Sotto para sa lahat ng mga tiga-Pasig na matagumpay na naghalal sa kanyang puwesto bilang mayor.

Base sa unofficial tally of votes ay nakakuha si Vico ng 216,202 votes na halos kalahati ng mga Pasigueños na naghalal kay re-electionist Bobby Eusebio na mayroong 116,414 votes.

Si Vico, 29, ay anak ni Coney Reyes sa dating karelasyong si Vic Sotto.

Tinatayang record-breaking ang pagkapanalo ni Vico dahil siya ang tumibag sa 27 taong pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City.

Ngayong umaga ng Martes, May 14, naghayag ng congratulatory message ang half-brother ni Vico na si Oyo Sotto sa pamamagitan ng Instagram post.

Dito ay ibinahagi ni Oyo ang mensahe ni Vico para sa lahat ng mga bumoto sa kanya.

Sabi raw ni Vico: “Maraming salamat. Sa lahat ng nagbigay ng tiwala, sa mga bumoto, at sa mga nakiisa sa ating laban... maraming, maraming salamat.

"Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!

"Naghihintay na lang po kami ni Cong. Roman ng official proclamation mula sa Comelec.”

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram Story ni Vico, sinabi niyang mula 2 A.M. hanggang 6 A.M. ay nasa COMELEC siya at naghihintay ng opisyal na proklamasyon sa kanyang pagkapanalo bilang mayor.

"Still waiting for the approval of our counsel's motion to lower the threshold so we can be proclaimed by the COMELEC."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "It is mathematically impossible for our opponents to win" dahil sa halos kalahati ang lamang niya kay Eusebio.

Ganoon din daw ang running mate ni Vico na si Roman Romulo, na nakakuha ng 216,202 votes laban sa kalaban nitong si Ricky Eusebio na may 94,362 votes.

Read Next
Read More Stories About
Vico Sotto, Eleksyon 2019
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vico Sotto on toppling reelectionist Bobby Eusebio in the mayoral race this 2019 elections: "Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results