Vilma Santos wins, Edu Manzano loses congressional bid

by Erwin Santiago
May 14, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

Magkaiba ang naging kapalaran ng dating married couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano ngayong #Eleksyon2019.

Bagamat di pa naipoproklama, tiyak na ang muling pagwawagi ni Vilma bilang representative ng Sixth District (Lipa City) ng lalawigan ng Batangas.

As of 8:42 A.M., base sa partial and unofficial results, si Vilma ay nakakuha ng 87,932 votes; habang ang kanyang katunggaling si Meynard Sabili ay mayroong 55,646 votes.

Sa kabilang banda, nabigo si Edu sa kanyang congressional bid sa lungsod ng San Juan.

Ang nanalo ay si Ronny Zamora.

Mula nang pumasok sa pulitika si Vilma noong 1998 ay hindi pa siya natatalo sa eleksyon.

Tatlong termino siyang nanungkulan bilang mayor ng Lipa City, mula 1998 hanggang 2007.

Kasunod nito, naging gobernador siya ng Batangas, mula 2007 hanggang 2013.

Nang matapos ang kanyang ikatlo at huling termino bilang Batangas governor noong 2013, tumakbo at nanalo si Vilma bilang representative ng Lipa City, Batangas.

Ito ang ikalawang termino ni Vilma bilang kongresista.

Continue reading below ↓

Kagaya ni Vilma, noong taong 1998 din pumasok sa larangan ng pulitika si Edu.

Tumakbo siyang vice mayor ng Makati City at naging overwhelming ang kanyang pagkapanalo.

Noong 2001, tumakbo siyang mayor ng Makati, ngunit tinalo siya ni Jejomar Binay.

Noong May 2010 elections, naging kandidato bilang vice president si Edu bilang running mate ng presidential candidate na si Gibo Teodoro.

Muli siyang tinalo ni Binay sa vice-presidential race, kung saan pumanglima lamang si Edu.

Noong 2016, tumakbo namang senador si Edu at natalo.

Sina Vilma Santos at Edu Manzano ay nagkaroon ng isang anak, ang ABS-CBN TV host-actor na si Luis Manzano.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results